Mga Emergency at Kalidad ng Hangin sa Looban
(Emergencies and Indoor Air Quality)
(May kaugnayang impormasyon sa Ingles)
Paghahanda at pagtugon sa mga emergency na may kaugnayan sa kalagayan ng panahon at mga dulot ng tao ay lubos na mas mahalaga pagdating sa mga looban, dahil ang mga tao ay naglalaan ng karamihan ng kanilang panahon sa looban, at umaasa sa mga espasyo sa looban bilang shelter. Ang pagtuturo sa inyong sarili kung paano maghanda at tumugon sa mga may kaugnayan sa lagay ng panahon at gawa ng tao na emergency na nakaka-apekto sa looban ay makakatulong na protektahan kayo at ang inyong pamilya sa pamamagitan ng pananatili ng isang mabuti sa kalusugang kalidad ng hangin sa looban.
Sa pahinang ito:
- Mga Emergency, IAQ at Kalusugan
- Paano Nakaka-apekto ang Mga Emergency sa Panloob na Kapaligiran?
- Mga Pangkalahatan Tip at Mga Pamamalakad sa Kaligtasan
- Mga Karagdagang Makukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Sa iba pang mga pahina:
(Mangyaring tandaan: ang karamihan sa mga link sa pahinang ito ay may content sa wikang Ingles)
- Wildfires at Indoor Air Quality (IAQ)
- Lumikha ng isang Clean Room para Protektahan ang Kalidad ng Hangin sa Looban kapag May Wildfire
- Mga Mapagkukuhanan ng Tulong para saPaglilinis sa Baha upang Maprotektahan ang Kalidad ng Hangin sa Looban
- Mga Pagkawala ng Kuryente at IAQ
- Pag-aangkop sa Mga Gusali para sa Kalidad ng Hangin sa Looban sa isang Pabago-bagong Klima
- Kalidad ng Hangin sa Looban at Pagbabago ng Klima
- Mga Natural na Sakuna
- Homeland Security at ang Kapaligiran sa Looban
- Mga Emergency sanhi ng Radiation at Pagiging handa
Mga Emergency, IAQ at Kalusugan
Ang ating mga tahanan at gusali, kung saan tayo madalas na namamalagi, ay nagbibigay proteksyon mula sa mga kondisyon sa labasan. Ang ilang mga factor, kasama na ang disenyo, construction, operation, at maintenance ng mga gusali, at pati na rin ang mga aktibidad sa looban ng mga tao, ay maaaring maka-apekto sa hangin na ating nalalanghap sa looban at lumaon ay pati na rin sa ating kalusugan. Ang mga emergency ay maaaring maka-apekto sa mga kondisyong ito sa pamamagitan ng pagpapalala sa kasalukuyang mga isyu sa kalidad ng hangin sa loob at pagpapakilala ng mga bago. Dagdag pa dito, ang ilang mga emergency, tulad ng mga sukdulang init, mga bagyo at pagbabaha, mga wildfire, at dust storm ay inaasahan na dadalas at lalala bilang resulta ng pagbabago ng klima (climate change).
Ang ilang mga tao ay maaaring mas madaling maimpluwensiyahan ng mga pagbabago sa kalidad ng panloob na hangin at iba pang mga epekto na may kaugnayan sa mga emergency, kasama na ang:
- Mga Bata,
- Mga buntis,
- Mga mas nakatatandang adult, at
- Mga Indibiduwal na may pre-existing na medikal na kondisyon
Ang mga epekto sa kalusugan mula sa mga indoor air pollutant ay maaaring maranasan agad makalipas na malantad, o posible ilang taong makalipas. Maaari nating mabawasan ang epekt sa mga namamalagi sa gusali at lalo na iyong mga pinakanahihirapan sa pamamagitan ng pananatili ng isang litas at mabuti sa kalusugan na kapaligiran sa looban bago, habang at pagkatapos ng mga emergency. Higit pang alamin:
- Indoor Air Pollution at Kalusugan
- Pagpoprotekta sa Kalusugan ng Mga Bata Habang at Pagkatapos ng Mga Natural na Sakuna.
Paano Nakaka-apekto ang Mga Emergency sa Panloob na Kapaligiran?
Mga Wildfire, Mga Pagsabog ng Bulkan, at Mga Dust Storm
Usok at/o iba pang mga particle pollution na nalikha sa labas habang habang may mga pangyayari tulad ng mga wildfire, pagsabog ng mga bulkan, at mga dust storm ay maaaring makapasok sa kapaligiran sa looban at makakapagdagdag sa mga level ng indoor particulate matter (PM). Ang mga wildfire, na lumawak ang laki at dalas nitong mga nakaraang taon, ay inilalantad ang mga populasyon sa usok at mga byproduct ng combustion tulad ng abo. Dagdag pa dito, kapag ang mga wildfire ay kumikilos sa mga komunidad, ang mga kemikal ay napapalabas sa hangin mula sa pagsunog ng mga istraktura, mga furnishing, at anumang iba pang mga material na dinadaanan ng sunog.
Ang bulkan ay maaaring sumabog nang walang babala at maaaring magkalat ng abo at nakakapinsalang mga gas na nagpapahirap makahinga. Ang malalakas na surface winds at thunderstorm cell ay maaaring maging mga dust storm, na maaaring maganap kahit saan sa Estados Unidos, pero pinaka-karaniwang nagaganap sa Southwest.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Tiyakin sa iyong estado o sa website ng agency para sa local air quality o sa AirNow.gov para sa mga forecast sa kalidad ng hangin at kasalukuyang mga kondisyon ng kalidad ng hangin. Kapag may wildfire, bashin ang mga tip na ito Gamit Air Now Kapag may Wildfires.
- Siguraduhing sarado ang iyong mga bintana at pinto kapag may mga mataas na pollution sa labas. Kung hindi ka na nalalamigan sa looban ng iyong bahay, humanap ng ibang lugar na matutuluyan.
- Ikonsidera ang paggamit ng isang portable air cleaner sa (mga) kuwarto kung saan ka madalas na namamalagi.
- Pagkokonsidera sa paggamit ng high-efficiency filter sa iyong heating, ventilation, at air conditioning (HVAC) system. Gumamit ng filter rates na Minimum Efficiency Reporting Value (MERV) 13 o mas mataas pa, o kasing bisa ng isang filter na magagamit ng iyong system.
- Ayusin an giyong HVAC system o air conditioner para mapanatili ang usok at iba pang mga sobrang pinong particle sa labas kapag may mga ganitong pangyayari sa pamamagitan ng pagbabago ng mga setting para umikot ang hangin.
- Ikonsidera ang pagbili ng isang N95 respirator mask para maprotektahan ang iyong mga baga mula sa usok at iba pang mga sobrang pinong particle kapag may mga ganitong pangyayari.
- Ipalabas ang hangin sa loob ng iyong tahanan sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga bintana o pagbubukas ng fresh air intake ng iyong HVAC system kapag humusay na ang kalidad ng hangin, kahit pansamantala lang.
Lubos pang matutunan ang mga tungkol dito at iba pang mga hakbang na magagawa mo bago, habang at pagkatapos ng isang wildfire event para maprotektahan ang iyong pamilya, sa pamamagitan ng pagbisita sa Wildfires and Indoor Air Quality (IAQ).
Lubos pang Matutunan ang Tungkol sa Mga Wildfire, Mga Pagsabog ng Bulkan, at Mga Dust Storm
- Lubos pang matutunan ang tungkol sa Indoor Particulate Matter
- Particulate Matter Pollution
- Paano Makaka-apekto ang Usok na Sanhi ng mga Sunog sa Iyong Kalusugan
- Lumikha ng isang Clean Room para Protektahan ang Kalidad ng Hangin sa Looban kapag May Wildfire
Pagkawala ng Kuryente
Pagkawala ng Kuryentena mas matagal pa sa ilang oras ay may mga negatibong epekto sa mga panloob na kapaligiran. Ang carbon monoxide (CO) na nagresulta sa di wastong paggamit ng mga portable generator ay ang isa sa pinakamahalagang mga banta pagkatapos mawalan ng kuryente. Kapag matataas ang mga level, ang CO ay maaaring mabilis na magdulot ng pinsala at maaaring humantong sa kamatayan. Dagdag pa dito, ang kakulangan ng kontrol sa klima at binawasang ventilation at filtration ng panloob na hangin ay maaari rin makapagdagdag sa kawalan ng thermal control, mas tumaas na mga level ng indoor pollutants, at mga salungat na kondisyon sa looban at mga epekto sa kalusugan.
I-click ang image para makita ang full-size at printable na version
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Huwag gumamit ng mga portable na generator (na pinapalakas ng mga fuel) sa looban. Ligtas na makapagkaloob ng kuryente para sa pailaw, pagluluto at heating. Gumamit ng mga portable generator sa labas at hindi mas malapit sa 20 feet ang layo mula sa mga gusali. Tiyakin na ang mga combustion device ay may sapat na bentilasyon.
- Magkabit ng mga CO alarm para maiwasan ang pagkakalason sanhi ng CO. Tiyakin na ang mga ito ay gumagana ng maayos, tiyakin at palitan ang baterya kapag binago mo ang mga oras sa relo tuwing spring o fall.
- Ikonsidera ang paggamit ng mga portable na generator na binibigyang lakas ng mga battery o mga solaw power stations para mabigyang lakas ang mga maliliit na appliance, mga ilaw at fans.
- Gumamit ng ventilation at shading para makatulong na makontrol ang mga temperatura sa looban
- Lubos pang matutunan ang mga hakbang na magagawa mo para mapanatili ang ligtas na kalidad ng panloob na hangin kapag nawalan ng kuryente.
Lubos pang Matutunan ang tungkol sa Mga Power Outages
- Epekto ng Carbon Monoxide sa Kalidad ng Panloob na Hangin
- Paglilinis sa Baha at ang Hangin sa Iyong Tahanan na booklet (may mga larawan kung paano at saan dapat gamitin ang mga portable generator)
- Ready.gov - Pagkawala ng Kuryente
Mga Bagyo at Pagbabaha
Kapag may mga bagyo at di magandang kalagayan ng panahon, tumataas ang panganib ng pagbabaha at mahamog na looban. Nitong huling mga taon, ang mga bagyo ay parehong dumami ang bilang at lumala. Ang mga tubig baha ay maaaring may dala-dalang mga peligro, kasama na ang biological at chemical na contaminant. Kasunod ng isang bagyo, ang tigil na tubig at mga basang materyal ay pinagmumulan ng mga microorganism, tulad ng mga virus, bakterya at amag.. Ang pagkakalantad sa mga contaminant na ito ay maaaring magdulot ang mga ito ng sakit, pasimulan ang allergic reactions, at patuloy na mapinsala ang mga materyal kahit matagal nang nakalipas ang baha. At, ang mabagyong lagay ng panahon at pagbabaha ay maaaring maka-akit sa looban ng mga peste na naghahanap ng masisilungan at pagkain. Ang pagpasok ng mga peste o insekto ay madalas na nilalabanan ng mga pesticide na maaaring humantong sa nakakapinsalang mga pagkakalantad kung hindi nalagay ng wasto.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Ang ligtas at masusing paglilinis kasunod ng sukdulang lagay ng panahon at iba pang mga kaganapan ng emergecny ay mahalaga sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga occupant.
- Kasunod ng patnubay ng EPA para sa paglilinis makalipas ang baha para mabawasan ang posibleng pagtubo ng amag, at maiwasan ang mapanganib na pagkakalantad sa mold spores at ilang mga produktong panglinis na ginagamit kapag naglilinis ng pagkain. Ang ilang mga aktibidad sa paglilinis ay kinabibilangan ng:
- Kung nilisan mo ang iyong tahanan, ikaw at ang iyong pamilya ay kailangang maghintay para muling mapasok ang iyong bahay hangga’t masabi ng mga professional na ligtas na, na walang mga peligro sa istruktura, sa kuryente at iba pang mga klaseng panganib.
- Bago mo simulan ang mga aktibidad sa paglilinis, makipag-ugnayan sa iyong insurance company at kuhanan ng mga litrato ang iyong bahay at iyong mga ari-arian.
- Magsuot ng personal protective equipment kapag ikaw ay naglilinis. Magsuot ng N-95 respirator at mas mainam kung mayroon din goggle, at protective gloves.
- Linisin gamit ang tubig at detergent. Alisin ang lahat ng amag na nakikita mo. Patuyuin kaagad.
- Patuyuin ang iyong bahay at lahat ng nasa loob nito ng mabilis - sa loob ng 24 hanggang 48 oras kung maaari.
- Siguraduhin na ang paglilinis ng amag ay natapos bago muling tirahan ang iyong bahay.
Lubos pang Alamin ang Tungkol sa mga Bagyo at Pagbaha
- Lubos pang alamin ang tungkol sa amag at kalusugan.
Sukdulang Init
Ang maiinit na temperatura kapag summer ay naging karaniwan na sa buong Estados Unidos nitong mga huling dekada sanhi ng pagbabago sa klima. Ang mga kaganapan ng sukdulang init (mga heat wave) ay inaasahan na magiging mas matagal, mas madalas, at mas matindi sa hinaharap. Ang mga temperatura sa looban ay mabilis din tataas kapag nawalan ng kuryente, kapag ang mga HVAC system at iba pang mga pamamaraan ng cooling ay hindi na gumagana. Kapag ang mga tao ay nalantad sa sukdulang init, maaari silang makaranas ng posibleng nakakamatay na mga sakit, tulad ng heat exhaustion at heat stroke. Ang maiinit na temperatura ay maaari rin humantong sa mga kamatayan mula sa mga atake sa puso, mga stroke, at iba pang mga uri ng cardiovascular na sakit. Ang diretso at simpleng mga estratehiya ay magagamit para makatulong na maiwasan ang mga kamatayan at sakit na may kinalaman sa init.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Gumamit ng mga estratehiya ng ventilation and shading para makatulong na makontrol ang mga temperatura sa looban
- Gumamit ng mga air conditioner o maglaan ng panahon sa mga air-conditioned na lokasyon tulad ng natalagang mga cooling zone, mga mall at mga library.
- Gumamit ng portable na mga electric fan para mapalayo ang mainit na hangin mula sa mga kuwarto o makapagpapasok ng mas malamig na hangin. Huwag ituro ang daloy ng hangin ng mga portable electric fan ng direto sa iyo kapag ang temperatura ng kuwarto ay mas mainit sa 90°F.
- Manatiling hydrated - regular na uminom ng tubig o iba pang mga nonalcoholic na likido.
- Tingnan kung maayos ang mga mas nakatatanda, may sakit o mahihinang tao na maaaring kailangan ng tulong sa pagtugon sa init.
- Alamin ang mga sintomas ng pagkakalantad sa sukdulang init (CDC) at ang mga naaangkop na pagtugon sa mga ito.
Lubos pang Matutunan ang Tungkol sa Sukdulang Init
Snow at Yelo
Ang snow at yelo ay maaaring humantong sa mga mapapanganib o salungat na mga kondisyon sa looban. Maaaring magresulta ang mga ito sa mga ice dam at iba pang mga problema sa moisture sanhi ng natutunaw na snow at yelo, kawalan ng kuryente, kawalan ng init at ventilation sa gusali at kawalan ng serbisyo ng komunikasyon. Ang snow at yelo ay hahadlang rin sa mga furnace vent, na magdudulot ng pamumuo ng CO at iba pang mga nakakapinsalang mga pollutant sa hangin sa looban. Alamin kung paano mapapanatiling ligtas ang iyong sarili at iyong mga mahal sa buhay habang nasa looban kapag may snow at ice storm.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Iwasan ang pagkakalason dulot ng CO, sa pamamagitan ng pagkakabit ng mga CO alarm at pagtingin sa mga ito pana-panahon sa mga ito para masigurado na maayos na gumagana ang mga ito.
- Gumamit ng mga generator at iba pang mga appliance sa ligtas na paraan. Lubos pang alamin kung paano Ligtas na Makapagkaloob ng Kuryente para sa Pailaw, Pagluluto at Painit kapag nawalan ng kuryente.
- Siguraduhin na ang mga snowdrift ay hindi nakatakip sa labas (sidewall) ng mga exhaust vent, halimbawa mula sa iyong furnace, water heater, dryer o iba pang mga appliance.
- Kung gumamit ka ng fireplace o wood stove, basahin ang Alamin Bago Magsunog ng Kahoy - Ano ang Magagawa mo para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Burn Wise para sa mga mas ligtas na pagsunog.
- Subukan na tipirin ang init at kontrolin ang temperatura sa looban.
- Siguraduhin na ang mga bata at mas nakatatanda ay nananatiling nasa initan. Madalas na puntahan mga mas nakatatandang kaibigan at kapit bahay upang matiyak na ang mga bahay nila ay maaayos ang painit.
- Alamin ang mga senyas at sintomas ng hypothermia (CDC) (abnormal na mababang temperatura ng katawan) at ang mga naaangkop na pagtugon.
- Limitahan ang posibilidad na magkaroon ng amag. Iwanan ng medyo bukas ang mga gripo para patuloy ang pagtulo ng mga ito at mapahintulutan na umabot sa mga tubo ang mainit na tubig para maiwasan rin ang pagsabog ng mga ito. Kung mayroon kang mga sumabog na tubo at mga basang pader at carpet, alamin kung paano iwasan ang amag sa iyong tirahan kapag nililinis.
Lubos pang Matutunan ang Tungkol sa Snow at Yelo
- Lubos pang matutunan ang tungkol sa Snow at yelo
- Epekto ng Carbon Monoxide sa Kalidad ng Panloob na Hangin
- Ready.gov - Lagay ng Panahon kapag Winter
Mga Lindol
Nagaganap ang mga lindol nang walang babala at nakakapagdulot ng matinding pinsala sa mga gusali at nagagambala ang mga system na nilikha para protektahan ang mga nanunuluyan sa looban. Ang mga sirang gusali, mga sirang linya ng kuryente at may leak na tubo ng gas at tubig ay ilan lang sa mga peligro na mahaharap mo makalipas ang isang lindol. Kapag nasira ng mga lindol ang mga gusali, ang pagkakalantad ng mga naninirahan dito sa mga contaminant na natatagpuan sa ilang mga materyal ng gusali, tulad ng lead at asbestos, ay maaaring tumaas. Ang mga sirang mga linya ng kuryente ay maaaring magresulta sa kawalan ng kuryente. Ang mga sirang linya ng gas ay nagdudulot ng malaking posibilidad ng sunog, pagsabog, at di magandang kalidad ng hangin.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Alamin ang mga hakbang na magagawa mo para makapaghanda, tumugon, at makabangon mula sa isang lindol.
- Kung may paghihinala kang leak o sira sa tubo, umalis sa area at tumawag sa lokal na mga awtoridad o 911 mula sa isang ligtas na lokasyon.
- Maingat na linisin ang mga natapong gamot, mga kemikal sa bahay, at gasolina o iba pang mga nagliliyab na likido kaagad, habang siguradong nakasuot ng angkop na personal protective equipment at siguraduhin na ang espasyo kung saan ka nagtatrabaho ay may sapat na ventilation.
- Kung may nakita kang pinsala sa istruktura sa iyong tahanan, tulad ng mga lamat sa pundasyon o nawawalang mga support beam, maaaring kailangan mong lumipat sa isan shelter o sa iba pang ligtas na lokasyon hangga’t natasa ng isang professional ang espasyo.
- Karaniwan lang ang mawalan ng kuryente, panatilihing ligtas ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay at lubos pang matutunan ang tungkol sa ligtas na kalidad ng hangin sa looban kapag nawalan ng kuryente.
- Makinig sa mga ulat mula sa mga lokal na opisyal para makakuha ng payo sa mga pag-iingat sa tubig sa iyong bahay. Alamin kung paano mapanatiling ligtas ang pagkain at tubig pagkatapos ang isang sakuna (CDC).
- Ang mga level ng radon sa isang gusali ay maaaring tumaas bilang resulta ng nasirang imprastraktura kasunod ng isang lindol. Kasunod ang paglilinis at pag-aayos ng iyong tirahan, ikonsidera ang pagsusuri sa iyong tirahan kung may radon.
Higit pang alamin ang Tungkol sa Mga Lindol
Mga Bantang Chemical, Biological, and Radiological and Nuclear (CBRN)
Ang mga banta ng Chemical, biological, o radiological o nuclear (CBRN) ay maaaring maganap ng likas, di sinasadya, o sadya. Anuman ang pinagmula nito, posibleng nahaharap sa pinsala ang mga tao kapag naharap sa mga bantang ito, ang ilan ay maaaring dala ng hangin. Dahil kadalasan ay nasa looban ang mga tao at umaasa sa mga panloob na espasyo bilang silungan, ang mga tiyak na konsiderasyon ay mahalaga kapag may mga CBRN na emergency para mabawasan ang epekto ng mga nasa loob ng gusali. Kasama na dito ang mga konsiderasyon para sa layout at disenyo ng isang gusali, ang mga nasa loob ng gusali, at pati na rin ang heating, at air conditioning (HVAC) na disenyo ng system, operation, at maintenance, na makaka-apekto lahat sa posibleng pagkalat ng mga CBRN na bantang natatapuan sa hangin:
Ang chemical emergency ay nagaganap kapag may mapanganib o nakakalasong kemikal na napalabas sa kapaligiran o sa looban na posibleng makasama sa kalusugan ng mga tao. Ang mga chemical ay maaaring di sadyang mapalabas, tulad ng pagpapalabas ng nakakalasong gas sanhi ng pagsabog ng bulkan o industrial accident, o sadya, tulad ng isang terrorist attach.
Ang mga biological threats ay kinabibilangan ng mga nakakahawang sakit, na sanhi ng mga bacteria at virus, na may posibilidad na kumalat at magdulot ng isang outbreak ng mga sakit sa mga tao. Maraming mga kilala at bagong lumalabas na bacteria at virus ang may kakayahang maging sanhi ng mga nakakahawang sakit, pero ang bawat isa ay may bukod-tanging katangian, tulad ng pagkakalat sa mga ito at kung paano kalala ang sakit na dulot ng mga ito. Ang maraming mga nakakahawang sakit ay maaaring kumalat sanhi ng mga mikrobyo na nasa hangin, tubig, pagkain, o lupa, o mula sa mga nangangagat na insekto o hayop. Ang biological threats ay maaaring kumalat sa natural o sadyang paraan sa isang bioterrorism attack (CDC).
- Ang COVID-19 pandemic, na sanhi ng novel coronavirus SARS-CoV-2, ay isang halimbawa ng pangyayaring sanhi ng likas na naganap na biological threat.
- Noong 2001 ang pangyayari ng anthrax (CDC) o atake nito ay isang halimbawa ng isang sadyang pinalabas na biological agent o threat.
Sa mga pangyayari na ang bacteria o virus ay kumalat sa pamamagitan ng airborne na pamamaraan o nakakalat sa hangin, mahalagang ang mga karagdagang estratehiya ay ipatupad para mabawasan ang posibleng pagkalat ng mga sakit sa looban.
Panghuli, sa isang radiation emergency (CDC), tulad ng isang aksidente sa nuclear power plant, dirty bomb explosion (pinagsamang mga explosives at radioactive powder o mga pellet), nuclear na pagsabog, maraming radiation ay maaaring kumalat at may posibilidad na mapinsala ang iyong kalusugan at ang kalusugan ng iyong pamilya. Ang mga eksperto sa radiation sa kabuuan ng gobyerno ay sumasang-ayon na, habang may isang radiation na emergency, ang mga tao sa naapektuhang area ay dapat na i-off ang mga HVAC system kung sila ay nanganganib na magkaroon ng isang pinsala na may kinalaman sa init. Ito ay nagbabawas sa maliit nang panganib ng pagpasok ng radioactive material sa iyong shelter.
Mga Kilos na Magagawa Mo
- Magpunta sa Indoor Air and Coronavirus (COVID-19) para matutunan ang ilang mga direktang pamamaraan na magagamit para mabawasan ang pagkalat ng COVID-19 sa looban.
- Bumisita sa Homeland Security and the Indoor Environment na pahina ng EPA para matutunan ang mga rekumendasyong mapapatupad ng mga may-ari ng gusali at mga manager nito upang maprotektahan ang mga kapaligiran sa looban at hindi magpalabas ng mga CBRN na agent, kasama na ang patnubay sa filtration at air-cleansing systems, mga HVAC system, at mga konsiderasyon sa pagtatatag ng mga plano sa pagtugon sa kaganapan ng emergency sa gusali.
Lubos Pang Matutunan ang Tungkol sa Airborne CBRN Threats
- Hangin sa Looban at ang Coronavirus (COVID-19)
- Paano protektahan ang iyong sarili mula sa radiation
- Centers for Disease Control and Prevention (CDC):
Mga Pangkalahatan Tip at Mga Pamamalakad sa Kaligtasan
Maghanda sa Mga Emergency
- Mayroon kayo dapat ng battery powered raio para manatili kayong may balita at handa sa paparating na matitinding kondisyon ng lagay ng panahon sa lokal na area at magkaroon ng access sa telepono sa kaganapan ng isang emergency.
- Kung posible, paunang alamin ang mga emergency shelter. Kung ang inyong tahanan ay walang kuryente para sa matagalang panahon, puwede ninyong ayusin na manatili kayo sa isang emergency shelter o iba pang alternatibong lokasyon kung praktikal ito.
- Pagkokonsidera sa paghahanda ng supply ng pamilya kung may emergency na kasama ang ilang mga mahahalagang bagay na maaring kailanganin mo kapag may naganap na sakuna.
Komunikasyon kapag May Emergency
- Makinig sa mga anunyo ng pampublikong serbisyo ng mga ahensya sa kalusugang pampubliko ng estado at lokal kung paano mapoprotektahan ang inyong kalusguan at ihanda ang inyong tahanan sa kaganapan ng matitinding kalagayan ng panahon o iba pang uri ng emergency.
Muling Pagpasok sa Nasirang Mga Bahay at Gusali
- Alamin kung kailan ligtas na pumasok muli sa isang nasirang bahay at anong pangkalahatang mga pag-iingat ang magagawa para protektahan ka at ang iyong pamilya mula sa mga peligro sa anumang kaganapan ng sakuna.
Paglilinis at Pakikitungo sa Mga Materyales, Debris ng Gusali, at Muling Pagtatayo ng Gusali
- Ang mga materyales ng gusali na nasira ng isang pangyayari o nasira sanhi ng renovation makalipas ang nasabing pangyayari ay maaaring may mga nakakasamang contaminant, tulad ng lead at asbestos.
- Ang renovation ng bahay ay dapat gawin sa isang paraan na pinananatiling ligtas ang may-ari ng tirahan at lahat ng mga namamalagi dito.
Pangkalahatang Mga Estratehiya para Mapahusay ang IAQ
- Maraming mga estratehiya ang mga homeowner at mga manager ng gusali ang magagawa para mapahusay ang IAQ habang o pagkatapos ng isang emergency na event kasama na ang pagkontrol sa pinagmulan, ventilation, at dagdag na filtration at paglilinis ng hangin.