Kawalan ng Kuryente at Indoor Air Quality (IAQ)
(May kaugnayan na impormasyon sa Ingles.)
Ang mga tirahan at iba pang mga gusali sa Estados Unidos ay karaniwang ginawa at tinayo para mapanatili ang komportable at mabuti sa kalsugang mga looban, anuman ang lagay ng panahon sa labas. Sa karamihan sa mga ito, ang kuryente ay inaasahan para makatulong na gawing komportable ang mga panloob na kondisyon. Ang kawalan ng kuryente ay tumatagal ng higit sa ilang oras ay madalas na sanhi ng matinding lagay ng panahon, tulad ng mga bagyo at pagbabaha, ay maaaring magdulot ng mga negatibong epekto sa mga looban. Halimbawa, kung walang kuryente, ang pagkokontro ng temperatura sa loban ay maaaring mahirap o imposible, at kung ang ventilation system sa bahay o gusali ay hindi gumagana kung walang kuryente, ang level ng mga pollutant sa hangin sa looban ay maaaring tumaas. Gayunman, sa karamihang mga kaso, may ilang mga hakbang na maaaring isagawa ng mga hakbang para makatulong na gawing katamtaman lang angg mga temperatura at mapanatili ang kalidad ng hangin sa looban nang hindi gumagamit ng kuryente.
(Mangyaring tandaan: ang karamihan sa mga link sa mga pahinang ito ay may content sa wikang Ingles)
Sa pahinang ito:
- Mag-install ng Carbon Monoxide (CO) Alarms para Maiwasan ang Pagkalalason sanhi ng CO
- Ligtas na Magkaloob ng Power para sa Pailaw, Pagluluto at Pagpapainit (Heating)
- Ventilation at Shading ay Makakatulong na Ma-kontrol ang Temperatura sa Looban
- Mga Karagdagang Makukuhanan ng Impormasyon at Tulong
Sa iba pang mga pahina:
- Mga Emergency at IAQ
- Mga Mapagkukuhanan ng Tulong para sa Paglilinis sa Baha upang Maprotektahan ang Kalidad ng Hangin sa Looban
- Wildfires at Indoor Air Quality (IAQ)
- Lumikha ng isang Clean Room para Protektahan ang Kalidad ng Hangin sa Looban kapag May Wildfire
- Homeland Security at ang Kapaligiran sa Looban
- Mga Natural na Sakuna
Mag-install ng Carbon Monoxide (CO) Alarms para Maiwasan ang Pagkalalason sanhi ng CO
Ang Carbon monoxide (CO), na isang invisible at walang amoy na gas, na mula sa iba’t ibang mga combustion appliances, tulad ng mga gas stoves, ovens o barbecue grills. Mabilis na nabubuo ang CO sa looban at maaaring tumagal ng ilang mga oras. Kapag matataas ang mga level, ang CO ay maaaring mabilis na magdulot ng pinsala at maaaring humantong sa kamatayan. Tiyakin na ang tahanan ninyo ay may (mga) alarm para sa CO, at ang (mga) alarm ay maayos na gumagana kapag nakakabit at may digital display at battery backup na function. Tiyakin at palitan ang baterya kapag binago mo ang mga oras sa iyong relo tuwing spring o fall. Inirerekumenda ng U.S. Consumer Product Safety Commission (CPSC) na ang bawat tahanan ay dapat may mga CO alarm sa bawat level sa labas ng bawat lugar ng tulugan. Ang CO alarms ay available sa karamihan ng mga hardware store.
Alamin ang tungkol sa Epekto ng Carbon Monoxide sa Kalidad ng Panloob na Hangin
Ligtas na Magkaloob ng Power para sa Pailaw, Pagluluto at Pagpapainit (Heating)
Mga Portable Generator (Pinapagana ng fuel): Habang walang kuryente, ang mga portable generator ay magagamit para pansamantalang makatulong para maibalik ang kuryente sa ilang mga pangunahing appliance tulad ng mga refrigerator, ilaw at mga fan o bentilador. Ang mga portable generator ay pinapagana ng mga fuel tulad ng gasolina, natural gas o kerosene. Kung hindi maayos ang pagkakagamit sa mga ito, ang mga generator na ito ay maaaring mapanganib dahil ang mga generator ay nagpapalabas ng mga toxic na fume. (Ang mga portable na generator na pinapagana ng mga baterya o mga solar power station ay available ngayon at walang fumes).
- Gamitin ang mga portable generator sa labas at malayo mula sa mga gusali.
- Huwag gamitin ang mga portable generator sa ilalim ng anumang mga kondisyon:
- sa loob ng iyong bahay o garahe
- sa mga balcony o malapit sa mga pinto, vent o bintana, at
- malapit kung saan natutulog ang iyong mga anak.
I-click ang image para makita ang full-size at printable na version ng infographic
- Tingnan ang ang full-size at printable na version ng infographic
- Lubos pang Alamin ang tungkol sa Portable Generators
Ang Mga Portable na Generator ay Pinapagana ng Mga Baterya o Solar Power Stations: Ang mga generator na gumagana sa baterya o mga power station ay mas malawak na nagiging available. Ang ilan sa mga ito ay maaaring ikonekta sa mga solar panel para ma-recharge. Ang mga ito ay maaaring practical na opsyon para mapagana ang maliliit na mga appliance, mga ilaw at bentilador kapag nawalan ng kuryente. Ang mga ito ay madalas na di masyado malakas kaysa sa tradisyonal na gas powered na mga generator; gayunman, ang mga ito ay hindi lumilikha ng mga nakakalason na fume, at kaya’t magagamit sa mga looban, sa mga balcony, o malapit sa mga pinto, mga vent, at bintana.
Heating (Pagpapainit):
Combustion Appliances: Kapag walang kuryente, huwag subukan na painitin ang inyong tahanan sa pamamagitan ng paggamit ng combustion appliances kasama na ang mga gas stove o oven, mga barbecue grill o dryer. Huwag kailanman paganahin ang anumang gas burning na heater o iba pang appliance na mahina ang ventilation o saradong kuwarto, o kung saan kayo natutulog.
Fireplaces: Sundan ang mga pag-iingat para sa kaligtasan na ito kung gumagamit ng vented fireplace bilang pampainit
- Pa-inspeksyunan ang flues at mga chimney bago gamitin bilang pampainit para makita kung may tulo at harang ng creosote o mga debris.
- Buksan ang fireplace damper bago magdingas ng apoy at panatilihin itong bukas hangga’t lumamig ang mga abo. Huwag kailanman isara ang damper o matulog kung mainit pa ang mga abo. Ang bukas na damper ay maaaring makatulong maiwasan ang pamumuo ng mga nakakalason na gas sa looban
- Huwag kailanman gumamit ng gasollina, charcoal lighter fluid o iba pang fuel para dingasan o muling dingasan ang apoy dahil maaaring sumabog ang mga vapor. Huwag kailanman itabi ang mga nagdidingas na fuel o materyales malapit sa apoy. Huwag kailanman itabi ang mga nagdidingas na likido sa iyong tahanan.
- Huwag kailanman gumamit ng uling sa fireplace dahil may panganib ng pagkakalason mula sa carbon monoxide.
- Maglagay ng screen o glass na harang sa palibot ng fireplace para maiwasan ang mga kislap o baga mula sa pagsisimula ng dingas sa mga madaling mag-apoy na materyales.
- Sunugin ang mga tuyo at seasoned na kahoy lang at panatiliing mainit ang apoy.
- Lubos pang matutunan tungkol sa Burn Wise para sa mas malinis na nagdidingas na mga apoy at ano an magagawa mo upang mapanatiling ikaw at ang iyong pamilya na ligtas.
Mga Sasakyan: Huwag paandarin ang kotse o truck sa garahe na katabi ng iyong bahay, kahit na bukas ang pinto.
Pagluluto: Huwag gumamit ng walang vent na combustion appliance sa looban tulad ng mga barbecue, hibachi o mga camp stove. Ang walang vent na combustion appliances ay di dapat gamitin para magluto sa looban, o para sa anumang mga panloob na gamit. Ang combustion appliances ay gumagawa ng mga toxic fumes, kasama na ang carbon monoxide (CO). Ang mga vented na appliance ay magagamit para ligtas na makapagluto sa looban kapag nawalan ng kuryente kung hindi kailangan ng vent ng kuryente para gumana. Maaari kayong gumamit ng may vent na fireplace o vented wood na kalan o iba pang vented fuel burning na stove, kung nakakabit na ito para handa nang malutuan. Kapag gumagamit ng mga cooking appliance sa looban, tulad ng mga camp stove at mga barbecue, gawin ng may ligtas na layo mula sa mga pintuan ng tirahan, mga bintahan at anumang papasok na mga hangin para sa HVAC system ng iyong tahanan
Pailaw: Gumamit ng mga flashlight o battery powered lanterns kung available ang mga ito. Kung gumagamit kayo ng mga kandila, tiyakin na ang area ay ventilated dahil ang mga kandila ay nagsisingaw ng mga combustion na produkto at, kung walang bantay ang mga ito, maaaring maging fire hazard o magdulot ng sunog o malaking apoy. Kung available, gumamit ng mga flashlight o battery powered na mga lantern sa halip na mga kandila.
Ventilation at Shading ay Makakatulong na Ma-kontrol ang Temperatura sa Looban
Tingnan ang mas malaking image na ipinapakita ang paggamit ng mga pantakip sa binatana
Buksan at isara ang mga bintana at gumamit ng mga pantakip sa bintana tulad ng mga drapes (kurtina), shades at awming para makatulong na mapamahalaan ang temperatura ng hangin sa looban. Kapag bukas ang mga bintana, maaaring gamitin ang mga screen para maiwasan makapasok ang mga pest sa tahanan. Tandaan na ang seguridad ng inyong tahanan ay dapat rin ikonsidera kapag bukas ang mga bintana.
Sa araw, takpan ang mga bintana gamit ang mga shades para mapakaunti an pagtaas ng temperatura
Sa Mainit-init at Maiinit na Kondisyon:
Sa araw na mainit ang lagay ng panahon, takpan ang mga bintana na sinisinagan ng araw sa umaga gamit ang shades para makatulong na malimitahan ang pagtaas ng mga temperatura sa looban. Maaari kayong gumamit ng drapes (kurtina), shades, roller shades, awnings o louvers para matakpan ang inyong mga bintana. Ang mga panlabas na awning at louver ay magpapabawas sa init na nakakapasok sa bahay nang higit sa mga panloob na shades. Sa pangkalahatan, kung ang hangin sa labas ay mas mainit kaysa sa hangin sa loob, isara ang mga bintana. Kung mas malamig ang hangin sa labas, buksan ang shades or drapes, at ang mga bintana.
Sa Malalamig na Kondisyon:
Buksan ang drapes (kurtina) at shades ng bintana sa umaga para makatulong na mapainit ang hangin sa looban at isara ang mga ito sa gabi para mapanatili ang init. Sa pangkalahatan, iwanang sarado ang mga bintana kung ang hangin sa labas ay mas malamig kaysa sa hangin sa loob.
Tingnan ang mas malaking imahe na nagpapakita ng bukas na kurtina (drapes) at mga bintana
Ang hangin sa looban at Ventilation sa Sukdulang Mga Temperatura:
Kahit na ang pananatiling sarado ng mga bintana at pinto ay maaaring mapanatili ang mga temperatura, sa ilang mga kaso ay maaaring kailangan na buksan ng kaunti ang mga bintana para mapanatili ang sapat na ventilation. Ang paglalagay ng sapat na ventilation ay lalong mahalaga kapag nagluluto at habang may iba pang ginagawa na maaaring magbawas sa kalidad ng hangin sa looban. Tandaan na parating may kaunting bilang ng ventilation na nagaganap sa looban. Ang parehong dami ng kilos ng hangin o infiltration (passive ventilation) ay likas na nagaganap, habang ang hangin ay dumadaan sa maliliit na butas, tulad ng nasa palibot ng mga bintahan at pintuan. Gayunman, ito ay maaaring di sapat para mapanatili ang nararapat na ventilation sa mga sukdulang situwasyon ng temperatura. Kapag ang mga sukdulang temperatura ay kasabay ng mataas na polusyon ng hangin sa labas, kasama na iyong galing sa Wildfires, Pagsabog ng Bulkan at mga Dust Storm maaaring mahalaga rin na bawasan ang natural na ventilation para di mapapasok ang mga pollutant. Lubos pang matutunan ang tungkol sa pananatili ng mabuting kalidad ng hangin sa looban kapag may nagaganap na Sukdulang init .
Mga Karagdagang Makukuhanan ng Impormasyon at Tulong
- Epekto ng Carbon Monoxide sa Kalidad ng Panloob na Hangin
- Flood Cleanup and the Air in Your Home (Paglilinis Kapag may Baha at Ang Hangin sa Iyong Tirahan) booklet (may mga larawan kung paano at saan dapat gamitin ang mga portable generator))
- Ready.gov - Kawalan ng Kuryente
- CDC - Carbon Monoxide na Pagkakalason na FAQs