Nagsagawa ang EPA ng Mga Pangunahing Hakban para Protektahan an Ground Water mula sa Kontaminasyon ng Abo ng Uling (Coal Ash)
WASHINGTON (Enero 11, 2022) - Ngayong araw, ang U.S. Environmental Protection Agency (EPA) ay nagsasagawa ng iba't ibang mga pagkilos para protektahan ang mga komunidad at bigyang pananagutan ang mga pasilidad para makontrol at malinis ang kontaminasyon na galing sa deka-dekadang pagtatapon ng abo ng uling (coal ash). Ang coal combustion residuals (CCR or coal ash), isang byproduct ng pagsunog ng coal sa mga pinapagana g coal na mga power plant, na naglalaman ng mga contaminant tulad ng mercury, cadmium, at arsenic na kung walang wastong pamamahala ay maaaring makapagdulot ng polusyon sa mga waterway, groundwater, iniinom na tubig, at hangin.
Ang mga kilos ngayon ay nagpapasulong sa pananagutan ng agency upang maprotektahan ang groundwater mula sa coal ash na kontaminasyon at maisama ang (1) mga namungkahing desisyon tungkol sa mga request para sa mga extension sa mga kasalukuyang deadline para masimulan ang pagsasara sa mga unlined na CCR surface na impoundment; (2) pagbibigay abiso sa ilang mga pasilidad hinggil sa mga obligasyon nila na sumunod sa mga regulasyon ng CCR at (3) pagbabalangkas ng mga plano para sa panghinaharap na mga kilos ng regulasyon para matiyak na ang pagtatapon ng mga abo ng uling ay nakakatugon sa mahihigpit na mga standard sa kapaligiran at kaligtasan. Ang EPA ay nangangako na makikipagtrabaho ito kasama ng mga estado para matiyak ang matatag na mga proteksyon para sa mga komunidad.
"Nakita ko mismo kung paano maaaring makasama ang kontaminasyon sanhi ng abo ng uling sa mga tao at komunidad. Ang coal ash surface impoundments at mga landfill ay dapat na gumana at magsara sa isang paraan na nakakaprotekta sa kalusugan ng publiko at ng kapaligiran,” sabi ng EPA Administrator na si Michael S. Regan.“Matagal nang napabayaan, na di wasstong naaapektuhan ang mga komunidad ng matataas na mga antas ng polusyon na sanhi ng di tamang pagtatapon ng abo ng uling. Ang mga kilos ngayon ay makakatulong sa atin na maprotektahan ang mga komunidad at bigyang pananagutan ang mga pasilidad. Inaasahan namin na makipagtrabaho sa mga kapartner sa estado para mabaliktad ang mga pinsala na naranasan na. Susuportahan ng EPA ang mga komunidad na may pakikiisa mula sa stakeholder, technical na tulong, at tulong sa pagsunod sa mga patakaran, at pagpapatupad."
"Pinupuri ng Estado ng New York ang Biden administration at U.S. EPA Administrator na si Michael Regan sa pagkilos nito upang maprotektahan ang mga komunidad sa buong bansa mula sa mga pinsalang dulot ng pagtatapon ng abo ng uling. Ang mga pagsisikap na ipinahayag ngayon ay makakatulong na mabantayan ang ating mga komunidad at ng likas na pinagkukuhanan ng impormasyon at tulong, at makakapagdulot ng malinaw na mensahe—ang mga regulator ay masusing nagbabantay sa mga pasilidad ng coal ash at handang bigyang pananagutan ang mga lumalabag sa patakaran,” sabi ng New York State Department of Environmental Conservation (DEC) Commissioner na si Basil Seggos. "Ang DEC ay may pananagutan na makipagpartner sa EPA para protektahan ang ating mga komunidad mula sa mga di maingat na pamamalakad ng ating patuloy na legacy sa uling ng bansa at ang pagpapahayag ngayong araw ay isang kritikal na milestone sa mga pagsisikap na ito."
"Habang sumusulong ang transisyon mula sa uling, kritikal rin na pananagutan natin na pamahalaan ang naiwang mga labi mula sa ating makasaysayang pag-aasa sa uling," sabi ni Liesl Clark, Director of the Michigan Department of Environment, Great Lakes, and Energy (EGLE). "Ang Michigan ay nagpapasulong sa mga pagsisikap para maabot ang layunin ng ating estado ng carbon-neutral na ekonomiya sa pagsapit ng 2050. Sinusuportahan namin ang patuloy na pagsisikap ng EPA na malinaw ang mga tuntunin para sa mga nalabi ng coal at para matiyak na ang ating mapagkukuhanan ng world-class na freshwater at iniinom na tubig na mula sa mga ito ay hindi naaapektuhan ng mga namanang labi na ito."
Pagtutugon sa mga Kahilingan ng Extension sa CCR Surface Impoundment Closure na Deadline
Hiniling sa mga regulasyon ng EPA ang karamihan sa humigit-kumulang na 500 unlined ash surface na impoundments sa buong bansa upang mapahinto ang pagtanggap ng waste at mapasimulan ang pagsasara sa mga ito sa pagdating ng Abril 2021. Ang mga regulasyon ay nagbalangkas ng proseso na gagamitin ng mga pasilidad para sa dalawang uri ng mga extension ng deadline sa pagsasara.
Natanggap at nirepaso ng EPA ang 57 mga application mula sa mga pasilidad ng CCR na humihiling ng mga extension sa deadline at natiyak na ang 52 ay kumpleto, apat ay di kumpleto, at ang isa ay hindi karapat-dapat para sa isang extension. Mula sa 52 mga kumpletong application na natanggap, nagsagawa ang EPA ng mga technical na analyses at nagmungkahi ng mga pagpapasya sa apat na mga application ngayong araw, na may mas maraming mga pagpapasyang nakaplano sa mga darating na buwan.
Iminumungkahi ng EPA na tanggihan ang tatlong mga request para sa extension ng deadline makalipas na matiyak ang ilang mga posibleng kakulangan sa pagbabantay sa groundwater, paglilinis, at mga aktibidad ng pagsasara, kasama na ang kakulangan ng mga monitoring well, di wastong pamamaraan ng pagbabantay, di maayos na pagkikilala sa iba pang mga pinagkukuhanan ng kontaminasyon ng groundwater, at di sapat na mga evaluation ng mga teknolohiya sa paglilinis, na maaaring makaiwas sa sapat na paglilinis ng groundwater. Minumungkahi ng EPA ang isang may kondisyong pagpapahintulot para sa isang request, na maaaring hilingin mula sa pasilidad na ayusin ang mga isyu sa pagbabantay ng groundwater.
Dagdag pa dito, ang namungkahing mga pagpapasya ay magtatakda muli ng patuloy na posisyon ng EPA na ang mga surface impoundment o mga landfill ay hindi maaaring isara na may abo ng uling na nadidikit sa groundwater. Ang pagbibigay limitasyon sa pagdidikit ng abo ng uling at groundwater makalipas na ang pagsasara ay kritikal sa pagbabawas ng pagpapalabas ng mga contaminant sa kapaligiran at makakatulong na matiyak na ang mga komunidad na malapit sa mga pasilidad na ito ay may access sa ligtas na tubig para mainom at panlibang.
Para Mapasunod ang Mga Pasilidad
Kumikilos rin ang EPA para mabigyang abiso ang mga pasilidad sa kanilang mga obligasyon sa pagsunod para sa ilang mga pasilidad kung saan may impormasyon ang agency hinggil sa posibleng pagkakaroon ng mga isyu na maaaring maka-apekto sa kalusugan at ng kapaligiran. Ang mga ikinababahala ay nakabalangas sa mga hiwalay na sulat na kinabibilangan ng di wastong pagbabantay sa groundwater, di sapat na impormasyon sa paglilinis, at ang regulasyon ng di aktibong mga surface impoundment. Tinitiyak rin ng EPA na ang mga pasilidad ay sumusunod sa kasalukuyang mga regulasyon ng CCR sa pamamagitan ng pakikipagtrabaho sa mga kapartner sa estado para maimbestigahan ang mga ikinababahala sa pagsunod sa patakaran sa mga pasilidad ng coal ash sa buong bansa.
Makikipagtrabaho ang EPA kasama ang mga estado sa pagsunod ng pasilidad upang maprotektahan ang kalusugan ng publiko at ng kapaligiran. Nakatuon ang agency sa pagsunod sa mga pasilidad na nilalayon na isara ang mga surface impoundment na may coal ash na napapadikit sa groundwater, at mga pasilidad na may mga surface impoundment na makakatiyak sa karagdagang imbestigasyon sa groundwater, kasama na ang mga pasilidad na gumamit ng alternatibong demonstrasyon ng pinagmumulan, na kapag nakilala ng pasilidad ang iba pang posibleng pinagmumulan ng kontaminasyon. Ang pagsasara ng may coal ash na nadidikit sa groundwater ay inilalagay sa panganib ang kalusugan at kaligtasan ng mga kalapit na komunidad.
Panghinaharap na Mga Pagsisikap para sa Regulasyon
Habang sumusulong, papahusayin ng EPA ang kasalukuyang mga tuntunin sa pamamagitan ng pagkukumpleto sa isang federal permitting program para sa pagtatapon ng abo ng uling at pagtatatag ng mga regulasyon para sa namanang coal ash surface impoundments. Magpapatuloy rin ang EPA sa pagrerepaso nito sa state-level na CCR program applications para matiyak na ang mga ito ay nagbibigay proteksyon rin tulad ng mga pederal na regulasyon.
Background
Nagagawa mula sa pagsusunog ng uling sa mga coal-fired na power plant, mga labi sanhi ng coal combustion na maaaring naglalaman ng nakakasamang mga level ng contaminant at isa sa pinakamalaking mga uri ng industrial waste na nalikha sa Estados Unidos. Noong Abril 2015, ang EPA ay bumuo ng isang komprehensibong pangkat ng mga requirement para sa pamamahala ng abo ng uling sa mga landfill at impoundment. Ang mga regulasyong ito ay tumutugon sa mag panganib na galing sa pagtatapon ng abo ng uling.
Hinihiling ng EPA ang komento ng publiko ng 30 araw sa namungkahing mga pagpapasya sa pamamagitan ng Regulations.gov. Para listahan ng mga indibiduwal na pagpapasya at kung paano magbigay ng komento, mangyaring bumisita sa: https://www.epa.gov/coalash/coal-combustion-residuals-ccr-part-implementation.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa abo ng uling (coal ash), bumisita sa: https://www.epa.gov/coalash.