Ipinahayag ng Biden-Harris Administration ang Higit sa $325 Milyon para sa Mga Environmental at Climate Justice Community Change Grant
Sinabi sa publiko ng EPA ang mga paunang napili para sa $2 billion Inflation Reduction Act program – ang pinakamalaking nag-iisang pamumuhunan para sa environmental justice sa buong kasaysayan – hatid ng Investing in America na agenda ni Presidente Biden.
Makipag-ugnay sa: EPA Press Office ([email protected])
WASHINGTON – Ngayong araw, Hulyo 25, 2024, ipinahiwatig ng U.S. Environmental Protection Agency na higit sa $325 milyon na pondo para sa 21 napiling mga application para makatulong sa mga nahihirapang komunidad upang maharap ang mga pagbabago sa environment at climate justice sa pamamagitan ng mga proyekto na nagbabawas sa polusyon, magpapalakas sa tibay ng komunidad laban sa pagbabago sa klima at mapalakas rin ang kakayahan ng komunidad. Ito ay magaganap salamat sa Inflation Reduction Act ni President Biden, ang Community Change Grants Program ay ang nag-iisang pinakamalaking pamumuhunan para sa environment at climate justice sa buong kasaysayan. Ang pahayag ng pagpopondo ngayong araw ay ang unang bahagi ng halos $2 bilyon mula sa programa na nilikha batay sa input ng komunidad patungo sa mga award grant na patuloy na ibinibigay.
Ang mga napiling application ay unang dumating sa ilalim ng Community Change Grants Program na proseso ng patuloy na application. Nababatay sa impormasyon ng matatag na pagiging bahagi ng stakeholder at feedback mula sa komunidad, ang innovative na patuloy na application process ay makakatiyak sa mga aplikante na mayroon silang sapat na oras upang makapaghanda at mapakinabangan ang makasaysayang mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong na ito. Ang Community Change Grants Program Notice of Funding Opportunity (NOFO), na pinamamahalaan sa pamamagitan ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights, ay tumatanggap pa rin ng mga application hanggang Nobyembre 21, 2024. Magpapatuloy ang EPA sa pagre-review ng mga application at patuloy ang pagpapahiwatig ang mga napili.
“Ang aming kakayahan na makapaghatid ng mga makikitang resulta para sa mga komunidad ay nababatay sa pakikinig sa kanila at pagde-develop ng mga innovative na solusyon sa pamamagitan ng pagiging bahagi ng mga stakeholder,” sabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. “Ngayong araw, salamat sa Inflation Reduct Act ni Presidente Biden, napili ng EPA ang unang kapartner sa komunidad para malutas ang mga bagong natutuklasan at matagal nang mga hamon sa environment at sa climate justice.
“Ang mga grant ngayong ay naglalagay sa mga komunidad sa punong posisyon patungo sa pagwawasto sa mga kamalian sa kapaligiran na naganap dat at pagpapatatag sa sarili nilang clean energy para sa hinaharap,” sinabi ni John Podesta, Senior Advisor sa President for International Climate Policy.
“Ang Investing in America na agenda ni Presidente Biden ay nagpabilis sa aming mga pagsisikap upang makapaghatid ng environmental justice sa mga komunidad na matagal nang napag-iiwanan,” sabi ni Brenda Mallory, Chair of the White House Council on Environmental Quality. “Bilang parte ng Justice40 Initiative ng Presidente, ang mga grant na ito ay makakatulong sa mga naghihirap na komunidad na maharap ang mga hamon sa environment at climate justice sa pamamagitan ng pagbabawas sa polusyon,pagpapatatag sa mga epektong sanhi ng climate change, at pagpapalakas sa kakayahan ng komunidad para matiyak na matatapos ang lahat ng mga proyekto.”
Ang Inflation Reduction Act ay nagkakaloob ng $3 bilyon sa EPA patungo sa mga award grant na makakatulong sa mga hirap na komunidad at magkakaloob ng technical na tulong. Sa mga grant na ito, natutupad ng EPA ang layunin nito.
Ang Community Change Grants ay nagsasakatuparan rin sa pananagutan ni Presidente Biden para mapasulong ang pagkakapantay-pantay at katarungan sa kabuuan ng Estados Unidos sa pamamagitan ng kaniyang Justice40 Initiative upang matiyak na ang 40 porsiyento ng mga pangkalahatang benepisyo ng ilang mga pederal na pamumuhunan ay mapupunta sa mga hirap na komunidad na nahihiwalay sanhi ng kakulangan sa pamumuhunan at sobrang nahihirapan sanhi ng polusyon.
Ang mga halimbawang grant para sa paunang napili na grupo ay kinabibilangan ng:
- Halos $20 milyon sa Midwest Tribal Energy Resources Association (MTERA) and Grid Alternatives para makapagkabit ng home weatherization at energy efficiency na mga upgrade sa lahat ng 35 Tribes sa Michigan, Minnesota, at Wisconsin, na magpapahusay sa kalidad ng hanging sa looban para sa mga pamilya at pagkakaloob ng leadership development training para sa mga natakdang Tribal Energy Champions. Ang MTERA ay nakatanggap rin ng $62 milyong gantimpala mula sa EPA Solar for All program noong Mayo.
- $20 milyon sa Coalition for Responsible Community Development at Los Angeles Trade-Technical College upang mapalakas ang environmental justice workforce development trainings para sa pagtatanggal ng lead, welding, maintenance ng hybrid at electric na sasakyan, home weatherization, at residential energy na mga pag-audit. Sa pamamagitan ng grant na ito, ang mga napiling aplikante ay inaasahang makakakumpleto sa pagtatanggal ng lead sa higit sa 600 mga tahanan sa buong Southern Los Angeles.
- Higit sa $14 milyon sa Texas A&M University and the Black Belt Unincorporated Wastewater Program para makapagkabit ng wastewater treatment systems para sa site mismo sa lahat ng 17 Black Belt na mga county sa Alabama. Dati nang bumisita si Administrator Regan sa Lowndes County, Alabama—na ang mga di gumagana ng wastong tangke at mga straight piped na sewage mula sa mga bahay patungo sa mga yard ay lumikha ng isang pampublikong krisis sa rehiyon. Ang komunidad na ito ay nakatanggap rin ng 100% na maaaring patawarin na $8.7 milyon na pautang mula sa Bipartisan Infrastructure Law para matugunan ang kritikal na mga hamon sa wastewater na nakaka-apekto sa mga pamilya.
- Halos $14 milyon para sa Pittsburgh Conservation Corps and PowerCorpsPHL para mapalawak ang mga programa sa mga manggagawa sa urban forestry at pagbabawas ng wood waste (mga labi na galing sa kahoy), pagpapalawak sa tree canopy sa Philadelphia at Pittsburgh at tiyakin na malayo mula sa mga landfill ang wood waste. Ang grant na ito ay kinabibilangan rin ng mga pondo upang mapakaunti ang biochar sa pagbabawas ng polusyon ng lead sa mga lupa sa Pittsburgh.
Track I ng programa, Community-Driven Investments for Change, ay inaasahan na magbigay ng halos $1.96 bilyon para sa 150 pmga proyekto na $10-20 milyon kada isa. Ang mga aplikante ng 17 Track I na nagpapatupad ng saklaw ang buong komunidad na mga proyekto para matugunan ang mga hamon sa environment at climate justice ay:
- Texas A&M University at Black Belt Unincorporated Wastewater Program (Wilcox/Hale/Lowndes Counties, AL)
- City of Bakersfield at Building Healthy Communities Kern (Bakersfield, CA)
- La Familia Counseling Center, Inc. at Community Resource Project (Sacramento, CA)
- Coalition for Responsible Community Development at Los Angeles Trade -Technical College (Los Angeles, CA)
- The San Diego Foundation at The Environmental Health Coalition (San Diego, CA)
- Day One at Active SGV (San Gabriel Valley, CA)
- City of Pocatello at Portneuf Greenway Foundation (Pocatello, ID)
- Dillard University at United Way of Southeast Louisiana (Southeast LA)
- City of Springfield at Public Health Institute of Western Massachusetts (Springfield, MA)
- Midwest Tribal Energy Resources Association at Grid Alternatives (MI, MN, WI)
- Ang MetroHealth System at Community Housing Solutions (Cleveland, OH)
- Lane County Oregon at United Way of Lane County (Lane County, OR)
- Pittsburgh Conservation Corps at PowerCorpsPHL (Pittsburgh/Philadelphia, PA)
- Ang Trust for Public Land at City of Chattanooga (Chattanooga, TN)
- City of Houston at Black United Fund of Texas (Houston, TX)
- Corporation of Gonzaga University at Spokane Neighborhood Action Partners (Spokane, WA)
- National Housing Trust at D.C. Children’s Law Center (Washington, D.C.)
Track II, Meaningful Engagement for Equitable Governance, ay inaasahan na magbibigay ng halos $40 milyon para sa 20 proyekto na $1-3 milyon ang bawat isa. Ang mga aplikante ng Track II na mangangasiwa sa indibiduwal at komunidad na paglalahok sa mga proseso ng pagdedesisyon ng gobyerno ay:
- Insight Garden Program at Ella Baker Center for Human Rights (multiple locations in CA)
- Ang Trust for Public Land at See You At The Top (Cleveland, OH)
- Special Service for Groups, Inc. at Center for Asian Americans United for Self Empowerment (Los Angeles, CA)
- Bronx River Alliance, Inc. at Youth Ministries for Peace and Justice (Bronx County, NY)
Mula sa mga napiling 21, ang tatlo ay para sa Target Investment Areas na natiyak sa NOFO. Ang pagpopondo sa Target Investment Area ay nilalayon upang matiyak na ang Community Change Grants Program na pagpopondo ay nakatuon patungo sa mga hirap na komunidad na may mga bukod-tanging mga pangyayari, heograpiya at pangangailangan.
Tingnan ang kumpletong listahan ng paunang 21 organizations na makakatanggap ng CCGP grant at lubos pang alamin ang tungkol sa CCGP.
Dahil ang Community Change Grants Program ay tumatanggap pa rin ng mga application hanggang Nobyembre 21, 2024, hinihikayat ng EPA ang mga aplikante na magsumite ng mga application sa sandaling ganap na nilang natugunan ang mga requirement ng NOFO. Ang EPA ay magsasagawa ng patuloy na pagpipili hanggang sa katapusan ng 2024. Hinihikayat rin ng EPA ang mga interesadong aplikante na mag-apply para sa technical na tulong hangga’t maaaari, dahil ang huling araw para mag-request ng bagong technical na tulong ay Agosto 16, 2024.
Basahin ang Community Change Grants NOFO sa Inflation Reduction Act Community Change Grants Program sa webpage ng EPA.
Upang lubos pang matutunan ang tungkol sa Community Change Grants at Technical Assistance bumisita sa Inflation Reduction Act Community Change Grants Program webpage ng EPA.
Para lubos pang matutunan ang tungkol sa environmental justice sa EPA, bumisita sa Environmental Justice webpage ng EPA.
Para sa nasasapanahon na impormasyon tungkol sa NOFO, kasama na ang impormasyon sa mga webinar, mag-subscribe sa Office of Environmental Justice and External Civil Rights’ listserv sa pamamagitan ng pagpapadala ng blangko na email sa: [email protected]. Ifollow kami sa X (dating kilala bilang Twitter): @EPAEnvJustice.