Ipinahayag ng Administrasyong Biden-Harris ang $3 Bilyon para sa Pagpapalit ng Lead na Tubo upang Mapasulong ang Ligtas na Iniinom na Tubig bilang Parte ng Pamumuhunan para sa America Agenda
Ipinahayag ng EPA ang pinakahuling yugto ng pagpopondo na buhat sa pananagutan ni President Biden na palitan ang bawat isang lead na tubo sa bansa, at maprotektahan ang pampublikong kalusugan at makatulong na makapaghatid ng ligtas na iniinom na tubig.
WASHINGTON – Ngayong araw, Mayo 2, ipinahayag ng U.S. Environmental Protection Agency ang $3 bilyon mula sa Pamumuhunan sa America na agenda ni President Biden upang matulungan ang bawat estado at teritoryo na matiyak at mapalitan ang mga lead service line, at maiwasan ang pagkakalantad sa lead sa iniinom na tubig. Ang lead ay maaaring makapagdulot ng malalang mga epekto sa kalusugan, kasama na ang hindi mapapagaling na pinsala sa development ng utak sa mga bata. Upang maprotektahan ang mga bata at pamilya, nangako si President Biden na palitan ang bawat lead na tubo sa bansa. Ang pahayag ngayong araw, na pinondohan ng Bipartisan Infrastructure Law at available sa pamamagitan ng matagumpay na Drinking Water State Revolving Fund (DWSRF) ng EPA, isang malaking hakbang upang mapasulong ang trabahong ito at ang pananagutan ng Administrasyon para sa environmental justice. Ang pagpopondong ito ay nagpapatatag sa Lead Pipe and Paint Action Plan ng Administrasyon at EPA’s Get the Lead Out Initiative.
Nagkakaisa sa trabaho, ang EPA at ang State Revolving Funds ay nagpapasulong sa Justice40 Initiative ni President Biden upang matiyak na ang 40% ng pangkalahatang mga benepisyo mula sa ilang mag pederal na pamumuhunan ay napupunta rin sa mga hirap na komunidad na nahihiwalay sanhi ng kakulangan sa pamumuhunan at napupuno ng problema na dulot ng polusyon. Ang pagkakalantad sa lead ay di patas na nakaka-apekto sa mga komunidad na may ibang lahi at mga pamilyang may mababang kita. Ang $9 bilyon na total na pagpopondo na ipinahayag hanggang sa araw na ito sa pamamagitan ng Lead Service Line Replacement Drinking Water State Revolving Fund program ng EPA, ay inaasahan na palitan ang hanggang 1.7 milyong mga lead na tubo sa buong bansa, na matitiyak ang malinis na iniinom na tubig para sa napakaraming mga pamilya.
“Malinaw na ipinapakita sa science, na walang ligtas na antas ang pagkakalantad sa lead, at ang pangunahing pinagmumulan ng nakakasamang pagkakalantad sa iniinom na tubig ay galing sa mga lead na tubo,” sabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. “Sinabi ni President Biden na kritikal na kilalanin at alisin ang mga lead na tubo sa mabilis na paraan hangga’t maaari, at sinigurado niya ang mahahalagang mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong para sa mga estado at teritoryo upang mapabilis ang permanenteng pag-aalis ng mga mapapanganib na lead na tubo sa wakas”
Ang Bipartisan Infrastructure Law ni President Biden ay namumuhunan ng makasaysayang $15 bilyong upang matiyak at mapalitan ang mga lead service line. Nakasaad sa batas na ang 49% ng mga pondo na ipinagkaloob sa DWSRF General Supplemental Funding at DWSRF Lead Service Line Replacement Funding ay dapat maipagkaloob bilang mga grant at mga mapapatawad na utang sa mga hirap na komunidad, isang makabuluhang pamumuhunan para sa mga komunidad na matagal nang kulang na napondohan. Ang EPA ay umaasa sa total na 9 milyong mga lead services line sa buong bansa, batay sa data na nakolekta mula sa na-update na 7th Drinking Water Infrastructure Needs Survey and Assessment. Ang pagpopondo na ipinahayag ngayong araw ay tiyak na ipagkakaloob para sa pagkikilala ng lead service line at pagpapalit sa mga ito at makakatulong sa bawat estado at teritoryo na mapondohan ang mga proyekto upang maalis ang mga lead na tubo at mabawasan ang pagkakalantad sa lead mula sa iniinom na tubig.
Ang tiyak sa Lead Service Line na formula na ginamit upang mailaan ang mga pondo na ito ay nagpapahintulot sa mga estado na makatanggap ng pinansiyal na tulong na ayon sa kanilang mga pangangailangan sa lalong madaling panaho, na magdadagdag sa proteksyong pangkalusugan ng publiko sa buong bansa. Ang formula at ang mga inilalaan ay batay sa pangangailangan — na nangangahulugan na ang mga estado na may mas maraming inaasahang mga lead service line ay makakatanggap, tulad nang naaayon, na mas maraming pagpopondo.
Kasabay ng pagpopondo na ipinahayag ngayong araw, ipinalabas rin ng EPA ang bagong memorandum na nililiaw kung paano ito magagamit ng ibang mga estado at ang iba pang mga pagpopondo upang pinakamabisang mabawasan ang pagkakalantad sa lead sa iniinom na tubig. Dagdag pa dito, ang EPA ay nag-develop ng bagong outreach na mga dokumento upang makatulong sa mga water system na maturuan ang kanilang mga customer tungkol sa mga isyu sa iniinom na tubig, mga epekto sa kalusugan sanhi ng pagkakalantad sa lead, pagmamay-ari ng service line, at kung paano masusuportahan ng mga customer ang pagkikilala sa mga posibleng lead service line sa kanilang mga tahanan.
Ang malakihang inisyatibo ng Biden-Harris Administration na alisin ang mga lead na tubo ay nakapaghatid na ng malalaking resulta ara sa mga pamilya sa buong bansa. Ang pinakahuling pagpopondo ngayon ay makakatiyak na mas maraming mga pamilya ang makikinabang mula sa mga di pa nagagawa dati na dami ng mga dulugan at mga nagsusuportang proyekto tulad ng mga ito:
- West View Water Authority sa Pennsylvania ay nakatanggap ng $8 milyon sa pamamagitan ng Bipartisan Infrastructure Law upang mapalitan ang 750 lead service lines sa mga di masyado napaglilingkuran na area sa komunidad — nangunguna na dito ang Allegheny County. Sa pagpopondong iyon, higit sa $5.4 milyon ang mapapatawad, na babawas sa pangkalahatang pinansiyal na kahirapan sa mga nagbabayad ng rate at sa komunidad.
- Sa Tucson, Arizona, ang lungsod ay nakatanggap ng $6.95 milyon mula sa Bipartisan Infrastructure Law na pondo para makapag-develop ng mga imbentaryo sa lead service line sa kanilang siyam na public water system. Gagamitin ng lungsod ang imbentoryong ito para makabuo ng plano upang mapalitan ang mga lead service line sa komunidad at mapahusay at kalidad ng mga iniinom na tubig para sa mga residente - ang karamihan sa mga ito ay nakatira sa mababang kita at hirap na mga komunidad.
- Matatagpuan sa pagitan ng Chicago at Milwaukee, ang komunidad ng Kenosha, Wisconsin ay nangunguna sa mga pagsisikap ng estado na alisin ang 5,000 lead service line sa kanilang komunidad. Para mapabilis ang pag-aalis ng lead service line, ang Kenosha ay nakikipagtrabaho sa Bipartisan Infrastructure Law-funded Water TA team ng EPA para matulungan ang mga kostumer na sariling makapagsagawa ng imbentaryo sa kanilang service line material at makapag-apply para sa pederal na pagpopondo upang maalis at mapalitan ang mga lead service line.
- Ang Eastern Band of Cherokee Indians, na matatagpuan sa kabuuan ng western North Carolina, ay napili upang makatanggapng suporta mula sa lead service line replacement na mga pondo sa ilalim ng Bipartisan Infrastructure Law para makapagsagawa ng mga imbentaryo sa service line at maihanda ang mga ulat ng engineering para sa lima ng mga pampublikong water system sa kanilang lupain.
Para makita ang higit pang mga kuwento kung paano nababago ng mga masaysayang pamumuhunan na ito na galing sa Bipartisan Infrastructure Law ang mga komunidad sa buong bansa, bumisita sa Investing in America’s Water Infrastructure Story Map ng EPA. Upang higit pang mabasa ang ilang mga karagdagang proyekto na nalalapit nang isagawa, basahin ang kamakailang napalabas na Quarterly Report on Bipartisan Infrastructure Law Funded Clean Water and Drinking Water SRF projects ng EPA at tuklasin ang State Revolving Funds Public Portal.
Ang mga inilaan ngayon ay batay sa na-update na 7th Drinking Water Infrastructure Needs Survey and Assessment (DWINSA) ng EPA kasama na ang assessment ng bagong naisumiteng impormasyon. Hanggang sa ngayon, ito ang pinakamabuting available na data na nakolekta at natasa sa service line materials sa Estados Unidos. Sa katapusan ng summer ngayong taon, ang EPA ay magpapalabas ng isang addendum sa 7th DWINSA Report to Congress na isasama ang na-update na mga inaasahan para sa lead service line. Inaasahan ng EPA ang pag-uumpisa ng pagkokolekta ng data, na kasama ang impormasyon sa mga lead service line, para sa 8th DWINSA sa 2025.
Para sa karagdagang impormasyon, kasama na ang paglalaan sa bawat isang estado ng 2024 na pagpopondo, at isang pagdedetalye ng lead Drinking Water State Revolving Fund ng EPA, mangyaring bumisita sa EPA’s Drinking Water website.