Ipinahayag ng Administrasyong Biden-Harris ang $2 Bilyon bilang Pondo sa Environmental and Climate Justice Community Change na Mga Grant bilang Parte ng Pamumuhunan para sa America Agenda
Ipinahayag ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights ng EPA ang pinakamalaking nag-iisang pamumuhunan sa environmental justice sa buong kasaysayan, na pinondohan ng Inflation Reduction Act ni Presidente Biden
WASHINGTON — Ngayong araw, ipinahayag ng administrasyon ni Biden-Harris na humigit-kumulang sa $2 bilyon na pondo ang handang magagamit para suportahan ang mga proyekto na pinamumuhuan ng komunidad para maipatupad ang clean energy, mapatibay ang pagpapalakas sa kalagayan ng klima, at mapatatag ang kakayahan ng mga komunidad na harapin ang mga hamon na may kinalaman sa environment at climate justice. Ang Community Change Grants ng U.S. Environmental Protection Agency’s (EPA’s) ay ang nag-iisang pinakamalaking pamumuhunan para sa environmental justice na derechong mapupunta sa mga komunidad sa kabuuan ng ating kasaysayan, at magpapasulong sa mga pagsisikap upang makatamo ng isang mabuti sa kalusugan, ligtas at mas masaganang kinabukasan para sa lahat. Ang mga pondong ito, bilang parte ng Investing in America ni Presidente Biden, ay naging posible sanhi ng President’s Inflation Reduction Act—ang pinakamalaking pamumuhunan sa clean energy at climate action.
“Sa kabuuan ng aking Journey to Justice tour, narinig ko ang mga dinig ng mga residente at tagapagtanggol na hangad ang mga mapagkukuhanan ng tulong at impormasyn upang masuportahan ang mga lokal na solusyon sa mga komunidad na matagal nang nakaligtaan at nakalimutan,” sabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. "Ngayon, salamat sa pananagutan ni Presidente Biden na mamuhunan sa mga komuinidad na matagal nang nahirapang magkaroon ng paraang makakuha ng pederal na pagpopondo, isinasakatuparan namin ang mga pagkilos na ito bilang tugon. Ang makasaysayan at hindi pa nagagawa kahit kailan na pagpopondong ito ay nangangako na ang mga hirap at nabibigatang lugar ay gagawing mabubuti sa kalusugan, mababalik sa dating katayuan, at lumalaban na mga komunidad para sa kasalukuyan at panghinaharap na mga henerasyon."
"Matagal nang nagdusa ang mga komunidad sa bigat na dulot ng polusyon mula sa power plant at mga industrial na pabrika na patuloy na naiwan," sabi John Podesta, Senior Advisor to the President for Clean Energy Inn “Ang Inflation Reduction Act at ang Justice40 na inisyatibo ni Presidente Biden ay nagdudulot ng pagbabago sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong pamumuhunan, clean energy, at maayos na pasahod na mga trabaho sa mga nahihirapang komunidad.
"Namumuno si Presidente Biden sa kabuuan ng gobyernong pagsisikap para harapin ang matagal nang mga environmental justice at di pagkakapantay-pantay," sabi ni White House Council on Environmental Quality Chair Brenda Mallory. "Salamat dito sa makasaysayang pagpopondo na sakop sa ilalim ng Justice40 Initiative ng Presidente, kami ay namumuhunan sa mga lokal na mga solusyon para makapagsagawa ng positibong pagkakaiba sa mga komunidad na nagdusa mula sa polusyon, kakulangan ng puhunan, at deka-dekadang di pantay na epekto sa kapaligiran. Ang mga pamumuhunan tulad nito ay nagpapakita kung paano natin naihahatid ang malaking agenda para sa environmental justice ng Presidente at ang pananagutan niya na makapagtatag ng mas makatarungan at mas nagpapalakas sa mga komunidad para sa mga darating na henerasyon."
Ang Community Change Grants ay nagsasakatuparan sa makasaysayang pananagutan ni Presidente Biden upang mapasulong ang pagkakapantay-pantay ng lahat at katarungan, kasama na ang kaniyang Justice40 Initiative. Ang Community Change Grants ay maghahatid ng 100 porsiyentong mga benepisyo sa programang ito para sa mga nahihirapang komunidad na nasasantabi sanhi ng kakulangan ng puhunan at nabibigatan dulot ng polusyon. Ang programang ito ay naglalaan rin ng $200 milyon para sa Inflation Reduction Act na pagpopondo upang makapagbigay ng tulong sa mga aplikante at mga tatanggap ng grant, na magpapahusay sa kakayahan ng mga nahihirapang komunidad upang ma-access ang mga dulugan para sa environmental at climate justice na mga aktibidad.
Ang mga aktibidad na gagawin sa ilalim ng mga grant ay inaasahan na babagsak sa ilalim ng mga sumusunod na kategorya
- Pagpapatibay at pag-aangkop sa klima.
- Pagpapahina ng mga panganib sa klima at kalusugan dulot ng mga urban heat island, sukdulang init, wood heater emissions, at mga kaganapan ng wildfire (sunog).
- Ang pagbabantay na pinangungunahan ng komunidad sa hangin at iba pang uri ng polusyon (kasama na ang tubig at basura), pag-iiwas, at paglulutas dito.
- Pamumuhunan sa mga low- at zero-emission at pagpapalakas sa mga teknolohiya at mga nauugnay na imprastraktura.
- Development ng manggagawa na sumusuporta sa pagbabawas ng greenhouse gas emissions at iba pang mga pollutant sa hangin.
- Pagbabawas sa toxics sa looban at polusyon sa hangin sa looban.
- Pagpapadali sa pagsali ng mga hirap na komunidad sa mga advisory group, workshop, pagtatakda ng tuntunin, at iba pang mga proseso sa publiko na isinasagawa sa estado at pederal.
An Community Change Grants Notice of Funding Opportunity (NOFO), na pinangangasiwaan sa pamamagitan ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights (OEJECR), ay maraming mga bukod tanging katangian upang mapasulong ang environmental at climate justice, na ang karamihan ay tumutugon sa feedback at input ng agency na nakuha mula sa mga komunidad. Kabilang sa mga ito ang:
- Patuloy na Mga Application: Ang NOFO ay bukas ng isang taon, na magsasara sa Nobyembre 21, 2024, at tuloy-tuloy ang pagre-review ng EPA ang mga application. Mapapahintulutan nito ang mga aplikante na magamit ang teknikal na tulong at posibleng muling pagsusumit ng bagong application kung hindi paunang napili. Hinihikayat ng EPA ang mga aplikante na mag-apply sa lalong madaling panahon.
- Two-track na Mga Proseso ng Pagsusumite: Ang mga application ay maaaring i-sumite sa ilalim ng dalawang magkahiwalay na mga track depende sa saklaw ng proyekto at hiniling na pagpopondo.
- Track I, Community-Driven Investments for Change, ay inaasahan na magbigay ng halos $1.96 bilyon para sa 150 pmga proyekto na $10-20 milyon kada isa.
- Track II, Meaningful Engagement for Equitable Governance, ay inaasahan na magbibigay ng halos $40 milyon para sa 20 proyekto na $1-3 milyon ang bawat isa.
- Mga Oral na Presentasyon: Ang mga aplikante ng Track 1 ay maaari rin anyayahan na lumahok sa isang oral presentation Ang mga oral presentation na ito ay magpapahintulot sa mga reviewer ng EPA na makarinig nang direkta mula sa mga aplikante at ang mga kapartner nito upang lubos pang matutunan ang tungkol sa mga priyoridad ng komunidad, mga ninanais na resulta, at mga plano para sa pangmatagalang sustainability. Ang bagong format na ito ay tutugon sa mga request ng komunidad para sumali sa EPA sa mas accessible na mga paraan.
- Mga Target na Area na Bibigyang Puhunan: Mula sa $2 bilyon na pagpopondo, kinilala ng EPA ang limang mga Target Investment Area (TIA) para makatulong na matiyak na ang mga komunidad na may bukod-tanging mga karanasan, heograpiya, at mga pangangailangan ay patas na maaaring makakalaban para sa pagpopondo. Ang mga ito ay:
- Mga Tribe sa Alaska: $150 milyon para sa mga proyekto na makikinabang sa Indian Tribes sa Alaska kasama na ang mga pondo para sa paglilinis ng mga nakontaminang lupain.
- Mga Tribe: $300 milyon para sa mga proyekto na pakikinabangan ng mga Tribal na komunidad sa ibang mga estado.
- Mga Teritoryo: $50 milyon para sa mga proyektong pakikinabangan ng mga hirap na komunidad sa mga teritoryo ng Estados Unidos tulad ng Puerto Rico, the Virgin Islands, Guam, American Samoa, at Northern Mariana Islands.
- Disadvantaged Unincorporated Communities: $50 milyon para sa mga proyekto na mapakikinabangan ng mga maliliit at rural na area na kulang sa takda, legal na natiyak at mga geographic na limitasyon, tulad ng Colonias.
- U.S.-Southern Border Communities: Alinsunod sa matagal nang pananagutan ng EPA na matugunan ang mga hamon dulot ng polysyon sa transborder, $100 milyon para sa mga proyekto na pakikinabangan ng non-Tribal na mga hirap na kominidad sa loob ng 100 kilometro na hilaga ng U.S.-Mexico na border.
- Teknikal na Tulong: Ang $200 milyon na technical assistance center ay available bilang tuwirang pagtugon sa mga feedback na galing sa mga komunidad at mga leader ng environmental justice na leader na matagal nang hangad na suporta para makapagtatag ng kapasidad sa mga komunidad at sa mga kapartner nito habang sila ay nagtatrabaho para magkaroon ng access sa mga kritikal na dulugang pederal. Sa pagpopondong ito, mayroong dalawang programa ang TA na nakalaan para sa Community Change Grants. Lubos pang matututunan ng mga aplikante ang tungkol sa, at malinaw na interes sa, teknikal na tulong sa EPA’s Community Change Grants Technical Assistance webpage.
Basahin ang Community Change Grants NOFO.
Ang OEJECR ay mamumuno rin sa maraming mga webinar na nagbibigay impormasyon habang bukas ang NOFO, na ang una ay magaganap sa Disyembre 7, 2023. Ang mga webinar na ito ay tutugon sa mga tanong, at ang ilan ay maaaring magpadali sa pagbubuo ng mga partnership at pakikipagpalitan ng impormasyon. Mas maraming impormasyon sa mga darating na webinar ang matatagpuan sa EPA’s Inflation Reduction Act Community Change Grants Program webpage.
Higit pang matutunan ang tungkol sa environmental justice sa EPA.
Higit pang matutunan ang tungkol sa Inflation Reduction na pagpopondo sa EPA.
Para sa nasasapanahon na impormasyon tungkol sa NOFO, kasama na ang impormasyon sa mga webinar, mag-subscribe sa Office of Environmental Justice and External Civil Rights’ listserv sa pamamagitan ng pagpapadala ng blangko na email sa: [email protected]. I-follow ang OEJECR sa X (dating kilala bilang Twitter): @EPAEnvJustice.
Background
Nilikha ng Inflation Reduction Act (IRA) ang Environmental and Climate Justice Program, ang pinakamalaking pamumuhunan sa environmental at climate justice sa kasaysayan ng Estados Unidos, nang ito ay nilagdaan bilang isang batas ni Presidente Biden noong Agosto 16, 2022. Sa ilalim ng programang ito, nagkaloob ang EPA ng $3 bilyon sa mga award grant at nagbigay ng pondo na may kaugnayan sa teknikal na tulong upang mapakinabangan ng mga hirap na komunidad.
Sa umpisa ng taong 2023, nagpalabas ang EPA ng Request for Information (Paghiling ng Impormasyon), na nagsagawa ng nakalaang konsultasyon sa National Environmental Justice Advisory Council ng EPA, at namuno sa maraming mga webinar para mauha ang input ng pubiko sa innovative na mga estratehiya at pamamaraan para sa competition design, pagsali ng komunidad, patas na pamamahagi ng mga dulugan ng pananalapi, pagiging karapat-dapat ng grantee sa pondo, pagtatag ng kakayahan at pakikipag-ugnayan at marami pang iba. Napakahalaga ng feedback na ito sa paglilikha ng mga pangunahing elemento ng Community Change Grants at ng NOFO na ito, kasama ang mga Target Investment Area, pagsasama ng mga oral na presentasyon, patuloy na panahon ng pagbibigay ng application, at marami pang iba. Pinapasalamatan ng EPA ang lahat sa kanilang oras na nailaan at input, na natiyak ang paglikha ng mas inclusive at accessible na grant program.