Inilunsad ng EPA ang Bagong National Office Para sa Pagpapasulong ng Environmental Justice at Civil Rights
Ang makasaysayang Office of Environmental Justice at External Civil Rights ay ilalagay ang ahensya sa isang posisyon na lalong mapapasulong ang environmental justice, mapapatupad ang mga batas para sa civil rights sa mga sobrang nahihirapang komunidad, at
WASHINGTON (Set. 24, 2022) – Ngayong araw, ipinahayag ng EPA na magtatatag ito ng bagong national office na mamamahala sa pagpapasulong ng environmental justice at civil rights. Ang paglilikha ng bagong Office of Environmental Justice at External Civil rights ay nagpapatupad sa pangako ni President Biden na mapahusay ang mga kritikal na isyu na ito sa pinakamatataas na level ng gobyerno at pinapatibay ang pananagutan ng ahensya na makapaghatid ng hustisya at pagkakapantay-pantay ng lahat.
Ang bagong opisina ay maglalaan ng higit sa 200 EPA staff sa EPA headquarters at sa loob ng 10 rehiyon patungo sa paglulutas ng mga hamon sa kalikasan sa mga komunidad na matagal nang di masyado napaglingkuran. Ang mga staff na ito ay makikiisa sa mga komunidad na may mga ikinababahala sa environmental justice para maunawaan ang kanilang mga pangangailangan, at pati na rin ang Tribal, state, at lokal na mga kapartner; papamahalaan at gagastusan ang makasaysayang level ng mga grant at technical na tulong; katrabaho ang iba pang mga opisina ng EPA para maisama ang environmental justice sa mga programa, patakaran, at mga proseso ng ahensya, tulad nang nakasaad sa batas; at tiyakin na ang mga tumatanggap ng pagpopondo mula sa EPA ay umaalinsunod sa mga naaangkop na batas sa civil rights. Ang opisina ay pamumunuan ng isang nakumpirma ng Senado ng Estados Unidos na Assistant Administrator, na ipapahayag lumaon.
“Malinaw para sa amin ni President Biden: kailangan naming batayin ang aming trabaho para tugunan ang krisis sa klima at ang ating pinakamalaking mga hamon sa kapaligiran sa hustisya at pagiging pantay-pantay,” sabi ni Vice President Kamala Harris. “Ang pagtatatag ng bagong opisina na nakalaan sa pagpapasulong ng environmental justice at EPA ay makakasiguro sa pamumuhay ng mga di masyado napaglilingkuran na mga komunidad ay nangingibabaw sa aming pagdedesisyon haang sinusuportahan ang mga solusyon na pinapalakas ng komunidad.”
“Mula pa lang sa unang araw ng trabaho, nangako na si President Biden at ang EPA na maghatid ng environmental justice at civil rights at tiyakin na ang pamumuhay ng di masyado napaglilingkuran at sobrang nahihirapan na mga komunidad ay nangunguna sa aming trabaho,” sabi ni EPA Administrator Michael S. Regan. “Sa paglulunsad ng bagong national program office, itinatanim namin ang environmental justice at civil rights sa DNA ng EPA at tiyakin na ang mga taong nahirapan na magkaroon ng sagot sa kanilang napahayag na ikinababahala ay magkaroon ng kilos para malutas ang mga hinaharap nilang problema sa loob na ng maraming mga henerasyon.”
Ipinahayag ni Administrator Regan ang paglilikha ng bagong opisina kasama ng mga leader ng environmental justice at civil rights sa Warren County, North Carolina, na lugar ng mga protesta 40 taon nang nakaraan na nagpasimula ng kilusan ng environmental justice.
Ang bagong opisina ay mamahala sa pagpapatupad at paghahatid ng $3 bilyong climate and environmental justice block grant program na nilikha ng Inflation Reduction Act, isang kritikal na bahagi ng makasaysayang $60 bilyon na pamumuhunan sa environmental justice na nasa batas. Sisiguraduhin rin ng opisina ang pagpapatupad ng EPA ng iba pang mga programa sa pagpopondo na nakasaad sa Inflation Reduction Act, Bipartisan Infrastructure Law, at ang mga regular na pagpapaangkop ay nakakatugon o higit pa sa inaasahan sa Justice40 Initiative ng Presidente.
Ang bagong opisina ay ang pinakahuling malaking kilos sa ilalim ng agresibong pamamaraan ni President Biden para matanim ang environmental justice, civil rights, at pagkakapantay-pantay sa kabuuan ng gobyerno, at sumunod sa paglulunsad ng maraming mga inisyatibo na nilikha para matugunan ang mga epektong hinaharap ng mga di masyado napaglilingkuran na komunidad na may malaking problema sa polusyon.Ang mga inisyatiba ay kinabibilangan ng pagtatatag ng kauna-unahang White House Environmental Justice Advisory Council (WHEJAC); ang paglulunsad ng Justice40 Initiative, na layon na makapagbigay ng 40 porsiyento ng pangkalahatang mga benepisyo ng pederal na pamumuhunan na may kaugnayan sa climate change, clean energy, at mga nauugnay na area sa mga di masyado napaglilingkurang komunidad, at higit sa 200 policy actions para mapasulong ang napakalaking agenda ng environmental justice at civil rights ng Presidente.
Background
Gumawa ang EPA ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights Office sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng tatlong kasalukuyan nang pinapatupad an gmga programa sa ahensya: ang Office of Environmental Justice, External Civil Rights Compliance Office, at Conflict Prevention and Resolution Center. Ang bagong opisina ay:
- Mapagaling at mapahusay ang kakayahan ng ahensya na isama ang mga prinsipyo at priyoridad ng pagkakapantay-pantay, civil rights, at environmental justice sa lahat ng mga pamamalakad, patakaran at programa ng EPA.
- Suportahan ang patas na pakikitungo at makabuluhang pakikiisa ng lahat na isinasaalang-alang ang development, implementasyon at pagpapatupad ng mga environmental justice, mga regulasyon, at patakaran anumang ang lahi, kulay, pinagmulang bansa, o kita.
- Isama ang mga komunidad sa mga ikinababahala sa environmental justice at palawakin ang suporta para sa mga kilos na pinamumunuan ng komunidad sa pamamagitan ng mga grant at technical na tulong.
- Magpatupad ng mga batas para sa pederal na karapatang sibil na magkasamang nagbabawal sa diskriminasyon batay sa lahi, kulay, o pinagmulang bansa (kasama sa batayan ang may limitadong kahusayan sa wikang Inges); kasarian; kapansanan; o edad ng mga aplikante at mga tumatanggap ng pederal na pinansiyal na tulong mula sa EPA.
- Magkaloob ng mga serbisyo at kadalubhasaan sa alternatibong resolusyon sa di pagkakasunduan, resolusyon sa pagkakasalungat ng pananaw sa kapaligiran, pagpapalakas ng consensus, at nagtutulungan na paglulutas sa problema.
Ang malawak na coalition ay nagbibigay ng suporta para sa bagong pambansang programa
Dr. Beverly Wright, Founder and Executive Director, Deep South Center for Environmental Justice: “Ang Office of Environmental Justice at External Civil Rights ng EPA ay lilikha ng bago at nakakabuti sa kapaligiran na mga oportunidad para sa mga komunidad na di tamang naaapektuhan ng deka-dekadang environmental justice. Ito rin ay magbibigay ng legal na pananagutan sa mga polluter para sa mga paglalabad sa civil rights. Makalipas ang henerasyong di pag-amin at kakulangan sa pagkilos, isang patunay ang nagawang progreso ng kilusan ng environmental justice dahil nakitang ang Administrasyon ni Biden ay kumikilala at kumikilos sa institusyonal at structural racism na kasalukuyang nagaganap sa patakaran sa klima. Sa bagong pagsisikap na ito, ang pagpopondo at mga mapagkukuhanan ng impormasyon at tulong ay makakaabot na sa wakas sa mga komunidad na pinakanangangailangan nito. Ang ating laban sa environmental justice ay patuloy pa rin, pero tayo ay binibigyang lakas ng mahalagang pagsulong na ito.”
Dr. Robert Bullard, Kilalang Professor of Urban Planning and Environmental Policy sa Texas Southern University: “Sa loob ng maraming dekada, ang mga komunidad ng ibang lahat at mga komunidad na may mababang kita ay humarap sa di nararapat na epekto mula sa kontaminasyon ng kapaligiran at sa loob ng maraming dekada ay lumalaban para mapasulong ang kanilang kabuhayan at makapaghatid ng patas na proteksyon para sa lahat. Ang trabahong ito para mapasulong ang environmental justice ay kasabay ng paglalaban sa karapatan sibil, at ang pagsisikap ng EPA sa ilalim ng bagong opisinang ito ay makakapagdulot ng progreso para sa mga komunidad na kailangan ngayon ng kilos.”
Congressman G.K. Butterfield (NC): “Ito ay isang makasaysayang araw - hindi lang para sa Warren County, North Carolina kung saan nagsimula ang kilusan ng environmental justice, pero sa milyon-milyong mga American sa buong bansang ito na hinihingi at walang pagod na ipinaglalaban ang environmental justice sa loob na ng maraming dekada. Pinupuri ko si President Biden, Vice President Harris, and EPA Administrator na si Michael Regan sa kanilang trabaho para mabuo ang Office of Environmental Justice at External Civil Rights. Ang pahayag ngayong araw, na sumudno sa makasaysayang pamumuhunan sa climate at environmental justice sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act, ay isang malaking halimbawa rin na titiyakin ng Biden-Harris Administration at Kongreso na ang bawat komunidad ay maaaring magsabi ng kanilang ikinababahala at ang mga pamumuhunang kinakailangan para lumaki at magtagumpay. Sama-sama, malulutas natin ang climate crisis at hahangaan ng buong mundo ang clean energy economy ng America.”
North Carolina Governor Roy Cooper: “Sa loob ng maraming taon na, ang mga di masyado napalilingkuran na komunidad ay hindi makatarungan naapektuhan ng climate change at di patas na epekto ng kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit kami nakatuon na baguhin ang North Carolina para sa kinabukasan nitong mas patas at malinis na enerhiya para sa lahat, at ang bagong opisina na ito ay makakatulong sa ating estado at bansa na mas mabilis na marating iyon.”
Senator Tom Carper, Chair ng Senate Committee on Environment and Public Works (DE): “Bilang Chairman ng Environment and Public Works Committee at co-founderng Senate Environmental Justice Caucus, aking pinupuri ang kilos na ito ni Administrator Regan para bumuo ang EPA ng kauna-unahang Office of Environmental Justice at External Civil Rights. Sobrang dami ng ating mga pinakanahihirapang mga American ang patuloy na nabubuhay sa mga komunidad kung saan ang malinis na tubig, malinis na hangin, at mabuti sa kalusugan na kapaligiran ay hindi isang katotohanan. Ito ang dahilan kung bakit ang pagkakaroon ng nag-iisa at may layunin na opisina na pinamumunuan ng nakumpirma ng Senado na Assistant Administrator ay kritikal rin. May tiwala ako na ang opisina na ito ay magpapaunlad sa tungkulin ng EPA sa pagpapasulong ng environmental justice, lalo na bilang isang agency na nagtatrabaho para mapatupad ang makasaysayang mga pamumuhunan sa klima at pagkakapantay-pantay sa Inflation Reduciton Act.”
Chairman Frank Pallone, Jr., Chair ng House Committee on Energy and Commerce (NJ):“Sa pagbubukas nitong bagong mahalagang opisina, ipinapakita muli ng EPA sa ilalim ni Biden ang tunay na pananagutan sa environmental justice na mga komunidad at tinitiyak na di sila makakalimutan o di ipapawalang-bahala. Aking pinupuri si Administrator Regan sa pagsasakatuparan ng mithiin na ito. Ang mga komunidad ng EJ ay pinakananganganib, pero sila rin ang pinaka hindi masyado napalinguran sa kasaysayan - pero ngayon ay optimistic ako na sama-sama ay maiwawasto natin ang mga pagkakamaling iyon, at inaasahan ko na makatrabaho ang bagong opisina na ito para matiyak na tunay nating mapapatupad ito.”
Senator Jeff Merkley, Chair of Senate Interior, Environment, at Related Agencies Appropriations Subcommittee (OR): “Habang ang kaguluhan sa klima ay makaka-apekto sa ating lahat, nakita na natin ang mga heat waves, nakakamatay na polusyon sa hangin, at iba pang mga problema na di wastong hinaharap ng mga komunidad na iba ang lahi at mga marginalized na komunidad na pinakakakunti ang makukuhang impormasyon at tulong. Bilang Chairman ng Interior Appropriations Subcommittee, personal kong inaprubahan ang paglilikha ng bagong Office of Environmental Justice at External Civil Rights na ito at nagsikap para matiyak ang di pa nagagawang pagtaas ng $100 milyon para sa FY22 na pagpopondo sa opisinang ito. Inaasahan ko na makatrabaho ang team na ito habang patuloy nating pinapaliit ang mga di pagkakapantay-pantay ayon sa lahi, harapin ang mga ikinababahala sa environmental justice, at magtrabaho para matiyak na ang bawat American sa bawat komunidad ay may malinis na hangin na malalanghap, malinis na tubig na maiinom, at mga berdeng espasyo na mae-enjoy.”
Congresswoman Chellie Pingree, Chair ng House Interior, Environment, and Related Agencies Appropriations Subcommittee (ME-01): “Bilang Chair ng House Appropriations Subcommittee on Interior, ako ay nakipaglaban para matiyak na ang environmental justice na mga programa ay nakakatanggap n pagpopondo na matagal na nilang kailangan para mapalakas ang ating pinakanahihirapang kasamahan habang pinoprotektahan ang kapaligiran. Ako ay nagpapasalamat na si President Biden ay naging isang kapartner sa ating mga pagsisikap para sama-samang maprotektahan ang mga American na komunidad mula sa mga peligro sa kapaligiran. Sa paglulunsad ng bagong Office of Environmental Justice at External Civil Rights, hindi lang pinatibay ng administration ni Biden ang pananagutan nito sa environmental justice, pero may makasaysayang pagsulong rin ito sa environmental equity para sa lahat ng mga American.”
Mga Senator Cory Booker (NJ) at Tammy Duckworth (IL), Co-Chairs ng Senate Environmental Justice Caucus: “Masyado nang matagal na nangyayari, ang ating pinaka toxic at sanhi ng polusyon na mga industriya ay natatagpuang katabi ng mga Black, Brown, Indigenous at mababang kita na mga komunidad na nakakasama sa kanilang kalusugan habang masyado maraming may kapangyarihan ay nagbubulag-bulagan. Ang kawalan ng hustisya batay sa lahi, civil rights at equity ay dapat na bigyang priyoridad sa bawat aspekto ng ating bansa - kasama na ang environmental justice at pagkilos sa klima. Ipinagmamalaki naming makita na ang EPA ay patuloy sa pagdinig sa mga tawag ng Environmental Justice Caucus at di mabilang na mga tagapagtanggol ng EJ sa pamamagitan ng paglulunsad ng opisinang ito para makatulong na protektahan ang matagal nang di masyado napaglilingkuran na mga komunidad.”
Congressman A. Donald McEachin, Co-Chair ng House Environmental Justice Task Force (VA-04): “Aking pinupuri si President Joe Biden at ang EPA Administrator na si Michael Regan para sa kanilang patuloy na pananagutan na bigyang priyoridad at mapasulong ang environmental justice. Hindi nating malalabanan ang krisis sa klima ng hindi hinaharap ang environmental injustice, at ang pahayag ngayong araw ay isang pagkikilala sa katotohanang ito. Ang Office of Environmental Justice at External Civil Rights ng EPA ay isang mabuting karagdagan, lalo na dahil ang mga pederal na pamumuhunan mula sa Bipartisan Infrastructure Law at ang Inflation Reduction Act ay ipimamahagi sa pagitan ng mga estado at lokalidad. Magkasama, patuloy kaming lalaban para matiyak na walang komunidad ang naiiwan.”
Congresswoman Nanette Diaz Barragán, Co-Chair ng House Environmental Justice Task Force (CA-44): “Ang bagong opisinang ito ay nagpapakita ng matinding pananagutan ng EPA sa environmental justice, at ang paglilikha nito sa isang kritikal na panahon sa ating laban sa climate crisis. Ito ay makakatulong sa EPA na mapatupad ang di pa nagagawa kahit kailan na mga pamumuhunan sa pamamagitan ng Inflation Reduction Act, kasama na ang $3 bilyon para sa climate at environmental justice grant na ating natiyak na magagamit. Papalakasin ng Office ang parnership ng EPA sa environmental justice na mga komunidad sa aking distrito at sa kabuuan ng bansa para mabawasan ang polusyon at bigyang pananagutan ang mga polluter.”
Congresswoman Pramila Jayapal, Co-Chair ng House Environmental Justice Task Force (WA-07): “Napakalinaw na anumang malaking kilos na gawin namin para matugunan ang climate crisis ay dapat binabatay sa environmental justice. Masyado maraming marginalized na komunidad ang masyado nang matagal na nagdusa sanhi ng environmental injustice. Nauunawaan ito nina President Biden at ng EPA Administrator Michael Regan. Ang pagtatatag ng Office of Environmental Justice at External Civil Rights ng EPA ay nagbibigay diin sa patuloy na pananagutan ng Administation ni Biden para matiyak na ang ating mga marginalized na komunidad ay di naiiwan habang hangad natin na iwan ang isang mabuti sa kalusugan na planeta para sa mga susunod na henerasyon. Inaasahan ko na patuloy na makatrabaho ang Administrasyon para maabot ang layuning iyon.”
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bumisita sa bagong website ng Office of Environmental Justice and External Civil Rights.