Paglilinis ng Amag sa Inyong Tahanan
(Mold Cleanup in your Home)
(May kaugnayang impormasyon sa Ingles)
Isang Mabilis na Gabay sa Amag, Moisture at Inyong Tahanan
Basahin ang buong booklet (sa wikang Ingles):
Kung mayroon na kayong problema sa amag - KUMILOS AGAD. Sinisira ng amag ang tinutubuan nito Mas matagal itong nakatubo, mas marami ang nadudulot nitong pinsala.
May tulong bintana - ang amag ay nagsisimulang sumira sa kahoy na frame at windowsill.
Ang dapat maglinis ay depende sa maraming mga factor. Dapat ikonsidera ang lala ng problema ng amag. Kung ang area na may amag ay mas maliit ng halos 10 square feet (mas maliit na halos 3 ft. by 3 ft. patch), sa karamihang mga kaso, maaaring kayo mismo ang umayos sa trabaho, sundin ang Mga Tip at Pamamaraan sa Paglilinis ng Amag Gayunman:
- Kung malaki ang naging pinsala ng tubig, at/o ang laki ng amag ay sakop ang higit sa 10 square feet, kumonsulta sa gabay ng EPA na Pag-aayos sa Amag sa Mga Paaralan at Mga Commercial Building (Mold Remediation in Schools and Commercial Buildings) (sa wikang Ingles). Kahit na nakatuon sa mga paaralan at commercial building, ang dokumentong ito ay naaangkop sa iba pang mga uri ng gusali.
- Kung piliin ninyong kumuha ng isang contractor (o iba pang propesyonal na service provider) na maglinis, tiyakin na ang contractor ay may karanasan sa paglilinis ng amag. Tingnan ang mga reference at hilingin sa contractor na sundin ang mga rekumendasyon ayon sa gabay ng EPA Pag-aayos sa Amag sa Mga Paaralan at Mga Commercial Building (Mold Remediation in Schools and Commercial Buildings) (sa wikang Ingles).
- Kung may paghihinala kayo na ang heating/ventilation/air conditioning (HVAC) system ay maaaring nakontamina ng amag (bahagi ito ng natiyak na problema ng moisture, halimbawa, o may amag na malapit sa intake ng system) kumonsulta sa gabay ng EPA Dapat Ba Ninyong Ipalinis ang Mga Air Duct sa Inyong Tahanan? (sa wikang Ingles) bago gumawa ng iba pang kilos. Huwag paganahin ang HVAC system kung alam o pinaghihinalaan ninyo na ito ay kontaminado ng amag - maaari itong magkalat ng amag sa buong gusali.
- Kung ang tubig at/o pinsala ng amag ay sanhi ng sewage o iba pang nakontaminang tubig, sa gayon ay tumawag sa isang propesyonal na may karanasan sa paglilinis at pag-aayos ng mga gusali na napinsala ng nakontaminang tubig.
- Kung may mga ikinababahala kayo sa kalusugan, kumonsulta sa isang health professional bago simulan ang paglilinis*
Ang mga tip at pamamaraan na ipinapakita sa seksyon na ito ay makakatulong sa inyo sa paglilinis sa inyong problema ng amag. Ang mga professional na cleaner o remediator ay maaaring gumamit ng mga paraan na hindi sakop sa lathalang ito. Mangyaring tandaan na ang amag ay maaaring magdulot na pagmamantsa at cosmetic damage. Maaaring di posible na linisin ang isang item para maibalik sa dati nitong anyo.
Ang amag na dumarami sa ilalim ng plastic na lawn chair sa isang area ung saan ang may tulo ng tubig ulan at nagde-deposit ng organic na materyal.
Tumutubong amag sa isang piraso ng tile ng bubong.
- Ayusin ang mga tulo sa tubo at iba pang mga problema sa tubig sa lalong madaling panahon. Ganap na patuyuin ang lahat.
- Kuskusin para maalis ang amag mula sa mga hard surface gamit ang detergent at tubig, at ganap na patuyuin.
- Ang mga absorbent at porous na materyal , tulad ng tiles ng bubong at carpet, ay maaaring kailangang itapon kung masyado maamag ang mga ito. Ang amag ay maaaring tumubo o mapunan ang mga espasyo na walang laman at singit ng mga porous material, kaya’t mahirap alisin o imposibleng maalis ang mga ito lahat.
- Iwasan na malantad kayo o ang iba sa amag.
- Huwag pinturahan o tapalan ang mga maaamag na surface. Linisin ang amag at patuyuin ang mga surface bago pinturahan. Pintura na nilagay sa mga maaamag na surface ay marahil na magtutuklapan rin.
- Kung hindi kayo sigurado kung paano linisin ang isang item, o kung ang item ay mahal o may sentimental value, maaaring dapat kayong makipagkonsulta sa isang espesyalista. Ang mga espesyalista sa pag-aayos ng furniture, restoration, pagpipintura, art restoration at conservation, carpet at rug cleaning, pinsala mula sa tubig, at fire o water restoration ay karaniwang nakalista sa mga phone book. Siguraduhing magtanong at tiyakinang mga reference. Maghanap ng mga espesyalista na affiliated sa mga propesyonal na organisasyon.
Habang naglilinis pagkatapos ng bahay, ang kalidad ng hangin sa looban ng inyong tahanan o opisina ay maaaring maging isa sa huli sa inyong mga problema. Gayunman, ang kabiguan na maalis ang mga nakontaminang materyal at ang pagbabawas sa moisture at humidity ay nagpapakita ng malalang pangmatagalang panganib sa kalusugan. Ang tigil na tubit at mga basang materyal ay pinagmumulan ng mga microorganism, tulad ng mga virus, bakterya at amag. Maaaring magdulot ang mga ito ng sakit, pasimulan ang allergic reactions, at patuloy na mapinsala ang mga materyal kahit matagal nang nakalipas ang baha.
Upang lubos pang matutunan ang tungkol sa paglilinis makalipas ang baha at kalidad ng hangin sa looban, bumisita sa: Paglilinis Makalipas ang Baha at Mga Epekto sa Kalidad ng Hangin sa Looban (Flood Cleanup and Effects on Indoor Air Quality). (Sa Wikang Ingles)